Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Muslim candidate ng Bikining Pilipinas, suportado ng pamilya niya

by PEP Troika
Apr 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Lumuha si Candidate No. 3 Lovely Dinah Baeshen sa presscon ng timpalak na Bikining Pilipinas nitong Marso 31, Linggo ng hapon, sa Lansbergh Place Condominium, Morato Avenue, Quezon Cit.

21-anyos si Lovely, taga-Dinalupihan, Bataan, HRM student sa Subic Bay Colleges, Inc., at isang Muslim.

Tatlong taon na siyang sumasali sa mga paligsahang pangkagandahan.

Continue reading below ↓

Lumahok siya before sa Mutya ng Olongapo, Miss Teen Zambales, Linggo ng Kabataan, at Rampa Bataan.

Ano ang sabi ng mga kapamilya niya kaugnay sa paglahok niya sa timpalak kung saan rumarampa siya nang naka-two piece?

“Hindi ko pa naman po nae-experience na pagsabihan. Kasi, yung mga classmate ko naman po sa Mindanao ay supportive naman po sa akin,” paghawi ni Lovely sa kanyang mahabang buhok.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“As well as my family po, they’re not... ahmmm... they’re not there to stop me. They’re always supporting me po.

“Kasi, it is my ano po talaga, dream since I was a kid.

"Dito na rin po kasi ako lumaki, so different na rin po yung parang pananaw ko sa buhay.

“Pero I still know my... ahmm, religion pa rin po, even though I’m doing this. It is just my dream.

“At the end of the day, I am still a believer of Islam.”

Continue reading below ↓

Ang koronasyon ng Bikining Pilipinas ay gaganapin sa Mayo 1, Miyerkules, 6 P.M., sa The Island, Uptown, BGC, Taguig City.

Ang tiket ay nagkakahalaga ng P1,500 (VIP), P1,000 (Gold), P500 (Silver) at P300 (Bronze).

Para sa tiket, makipag-alam sa 0923-998-9479.

NOEL FERRER: Raratsada na naman ang mga bikini contest!

Summer na talaga at sobrang init—at pinagpayuhan ang mga tao na mag-conserve ng paggamit ng kuryente dahil nag-Yellow Alert daw kanina.

Sana ay maging exciting ang mga patimpalak na ito at maging aspirational sa mga gustong maging sexy at fit.

Huwag sana itong mahaluan ng alingasngas at hindi maging front ng prostitusyon, di ba?

GORGY RULA: Matagal nang gustong ituloy ni Direk Bobot Mortiz itong Bikining Pilipinas dahil naghahanap siya ng mga magaganda at seksing talents na gagamitin sa ilang programa sa ABS-CBN.

Minsan ay may mga sumusulpot na sexy talents sa Home Sweetie Home, kaya diyan na sila sa mga kandidata maghahanap ng magagandang talents.

Continue reading below ↓

Malay natin, baka may ma-discover din sila, dahil isa raw sa requirements ay dapat marunong umarte.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results