17 film companies, naghahangad makasali sa MMFF 2019

by PEP Troika
Apr 1, 2019

NOEL FERRER: Exciting ang 45th Metro Manila Film Festival ngayong 2019 kung ang pagbabasehan ay ang listahan ng producers na nagbigay ng Letter of Intent, na umabot sa 5 P.M. deadline nitong Abril 1, Lunes.

Ginagawa ito para matantiya kung gaano karaming oras ang kailangan sa pagbabasa ng script at panonood ng pelikula—na ginaya ng FDCP para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

All accounted for, indie man o big mainstream studios, nagbigay ng intensiyon nilang sumali sa MMFF 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakataba ng puso na maging ang established at premyadong direktor na maituturing na Masters na ay may posibleng entries.

Marami ring entries from the very promising and award-winning young directors na supported ng major funders!

Nakakatuwa talaga!

As of now, 17 Production Companies, 20 Titles ang na-submit.

At maaaring madagdagan pa iyan kapag script submission na—ang deadline ay sa Mayo 31.

Katulad ng nasabi ko na, espesyal ang taong ito dahil we are celebrating the 45th year of the MMFF at the same time that we are celebrating the Centennial of Philippine Cinema.

Kaya ganun na lang ang kampanya namin para sa magagandang pelikulang susuportahan ng mga manonood.

JERRY OLEA: Inaasahan nating meron na namang phenomenal entry si Vice Ganda.

Ito ba yung nasabi ni Snooky Serna na movie ni Maricel Soriano with Vice?

Siyempre, dapat ay kasali rin diyan si Coco Martin, ang hari ng telebisyon.

Gusto ko ring magpasiklab muli si Joel Lamangan, ang nagdirek ng Rainbow’s Sunset na humakot ng mga parangal sa 44th MMFF.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakaka-excite kung kalahok din ang fantasy adventure na Magikland nina Direk Peque Gallaga at Lore Reyes.

Millennial version ito kumbaga ng Magic Temple na blockbuster at humakot ng 14 awards sa MMMF 1996.

Huwag na nating asahan ang Darna ni Liza Soberano dahil matatagalan pa ito.

Bonggacious kung makakasali ang GMA Pictures (dating GMA Films), lalo pa kung mala-Jose Rizal ang kalibre ng kanilang entry.

Sana rin, may entry si Direk Erik Matti!

GORGY RULA: Letter of Intent pa lang naman. Kaya mahirap pang tantiyahin kung aling projects ang makakapasok.

Sabi ng ilang producers, karamihan diyan ay hanggang letter of intent lang.

Malalaman natin ‘yan kapag nag-submit na ng script. Pero magandang senyales na rin ito na mas maraming interesadong sumali, at sana nga, mga award-winning directors ang maglalaban.

Tama bang ibang grupo ng Screening Committee ang bubuo ngayon?

Sana mas magaganda at malalaking pelikula ang mapipili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results