Derek Ramsay, pipirma na ng kontrata sa GMA Network

IMAGE Noel Orsal

GORGY RULA: May bagong Kapuso na pipirma ng kontrata mamayang hapon, April 3.

Wala pa silang binabanggit kung sino ito, pero obvious na si Derek Ramsay ang tinutukoy.

Bale nagbabalik-Kapuso lang si Derek dahil nagsimula naman siya sa GMA-7.

Naging bahagi siya dati sa Eat Bulaga! at sa sitcom na Daboy en Da Girl.

Napapag-usapan na ring si Andrea Torres ang makakasama niya sa kanyang unang Kapuso drama series na may tentative title na The Better Woman.

Sa totoo lang, namataan na si Derek sa GMA-7 kamakailan dahil nakipag-meeting na raw ito sa production staff ng bagong programang ito, at doon na rin sila nagkita ni Andrea.

Abangan natin mamaya kung ano pa ang gagawin ni Derek sa Kapuso network.

NOEL FERRER: Happy New Start kay Derek Ramsay!

He has always been good to me noong nasa ABS-CBN at TV5 siya, at ngayon ay aabangan natin ang kanyang pagpalaot muli sa Kapuso network!

JERRY OLEA: Hmmn, matagal-tagal na ring hindi natin napapanood sa teleserye si Derek.

Excited tayo sa pagbibida niya sa Kapuso Network!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN