Derek Ramsay, ready nang mag-propose sa girlfriend na si Joanne Villablanca?

IMAGE Noel Orsal

GORGY RULA: Tatlong taon ang pinirmahan ni Derek Ramsay sa GMA-7.

Gusto niyang mag-focus muna sa commitment niya sa Kapuso network.

Kaya nang natanong namin ang tungkol sa wedding plans nila ng girlfriend niyang si Joanne Villablanca, wala pa siyang masabi kung kailan.

“I’ve signed three years with GMA. So, I’m going to give everything that I have for the three years.

"And then after that, doon na iyan. Can’t be young forever," napapangiting pahayag ni Derek.

Hindi pa sila engaged, pero pinag-iisipan na niya kung ano ang magandang gawin, o kung may drama ba siyang gagawin sa proposal.

“Marami na akong version na inisip sa utak. Pero wala pa kung ano yung gagawin ko.

“It’s difficult, kasi gusto ko, maiba, e. Lahat pinu-post na sa social media.

"Baka sabihing gaya-gaya ka," pakli ng bagong Kapuso actor.

Basta darating lang daw 'yan at mabalitaan na lang natin kapag nakapag-propose na siya.

“Gusto ko yung walang plano, alam niyo naman, may ganyan ako.

"So, feeling ko, may ganoon na mangyayari.

“It might not be the sweetest, but it just only happens,” sabi pa ni Derek.

Wala raw siyang maisip pang iba kundi si Joanne na ang gusto niyang makasama sa kanyang pagtanda.

Natutuwa si Derek na sa kabila ng pagiging abala ng girlfriend, nandiyan lang ito para suportahan siya.

Sinamahan ni Joanne si Derek sa contract signing sa GMA-7 nitong Abril 3, Miyerkules, bilang suporta sa malaking pagbabago sa career ng aktor.

“You can see now she’s with me. She cancelled her whole day to be here to support me,” pagmamalaki ni Derek.

NOEL FERRER: Good luck on this new journey, Derek.

Excited ako sa TV team-up nila ni Jennylyn Mercado, if ever.

Kasi, magaling siya sa ginawa nilang Metro Manila Film Fest movies together—ang English Only, Please (2014) at All Of You (2017).

JERRY OLEA: Sa hierarchy ng Kapuso actors, pang-ilan kaya si Derek?

Kapuso Primetime King si Dingdong Dantes. Kapuso Drama King si Dennis Trillo.

Andiyan sina Gabby Concepcion, Alden Richards, Tom Rodriguez, Ruru Madrid, Jason Abalos, Mark Herras, Rayver Cruz, Derrick Monasterio, Jak Roberto, among others.

Sinu-sino kaya ang apektado sa pagpirma ni Derek sa GMA Network?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN