Shaina Magdayao, lilipat sa Kapuso network?

by PEP Troika
Apr 5, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Sa blind item ni Igan Arnold Clavio sa DZBB nitong Abril 4, Huwebes ng umaga, nang hindi mag-work ang unang hula na si Alex Gonzaga na lilipat sa Kapuso network, lumutang ang panibagong hula na swak sa ibang clues—si Shaina Magdayao raw.

Matagal-tagal nang nababakante si Shaina sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Tama pa rin na galing sa GMA Network ang kapatid nitong may anak na si Vina Morales.

Hindi rin kataka-taka, kasi kabarkada ni Shaina ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz kaya siguro at home siya sa paglipat, kung anu’t ano man.

GORGY RULA: Si Shaina rin ang duda namin na puwede, di ba?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Asintado pa yata ang pinakahuling ginawa niya sa ABS-CBN at hindi na ito nasundan.

Hindi pa ako sinasagot ng ilang napagtanungan ko sa GMA-7 kung totoong may nakipag-usap na sa kanila para kay Shaina.

Ang isa kasing nabalitaan nating may nakikipag-usap para kay Jessy Mendiola ay hindi na raw matutuloy.

JERRY OLEA: Sabi sa clues, ang kapatid nitong artista rin ay “naghu-host, may anak, at married.” Kasal ba si Vina?

Ang co-star ni Shaina sa Asintado na si Julia Montes, ilang buwan nang wala sa eksena.

Pero wala akong narinig na tsismis na kesyo mag-o-over-da-bakod si Julia.

Continue reading below ↓

Ang sabi-sabi, mananatiling Kapamilya si Julia. Forever Kapamilya?!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results