Lolit Solis: Hindi si Gretchen Barretto ang "magnanakaw" sa post niya about Lani Mercado

IMAGE @lanirevilla @akosilolitsolis on Instagram

JERRY OLEA: BONGga ang tribute ni Nay Lolit Solis kay Lani Mercado nitong Abril 7, Linggo, ng umaga sa Instagram.

Kaugnay ito sa ika-51 kaarawan ni Lani sa Abril 13, Sabado.

Takaw-pansin ang pagpupugay ni Nay Lolit kay Lani bilang asawa ni Bong Revilla.

Hanash ni Nay Lolit, "Iyong mga pinagdaanan niya bilang Mrs. Revilla, open book na sa lahat. Sabi nga, ang tibay ng dibdib niya, at iyon ang isang bagay na dapat ginagawa ng legal wife—ipagtanggol ang pag-aari niya. Iyong iba na gustong nakawin what she owned, magdusa sa tabi. Dahil hindi nila makukuha ang titulo mo. Ikaw legal wife. Magnanakaw lang iyong iba..."

View this post on Instagram

Birthday girl si Lani Mercado Revilla Salve. Si Lani na hinahangaan ko not as an actress or politician, but more as a woman, mother and wife. Ang galing niya bilang ina dahil lahat ng anak niya nag-aral at naging close sa kanila ni Bong Revilla. Iyon bonding na iyon trabaho ng isang mother, iyon glue that bind one another, iyon ang ginagawa ng isang ina para maging close ang mga member ng family. As a wife, I cannot ask for more, iyon mga pinagdaanan niya bilang Mrs Revilla open book na sa lahat, sabi nga ang tibay ng dibdib niya at iyon ang isang bagay na dapat ginagawa ng legal wife, ipagtanggol ang pag-aari niya, iyon iba na gustong nakawin what she owned magdusa sa tabi dahil hindi nila makukuha ang titulo mo, ikaw legal wife, magnanakaw lang iyon iba. Dun ipinakita ni Lani kung gaano siya katibay bilang babae, na kahit ano pang bagyo hindi ako matutumba, mananatili akong matibay para sa aking pamilya. I salute you Lani. Happy birthday and the best for you for the rest of your life. Basta ikaw legal wife, I love you, so proud of you. #classiclolita #takeitperminute #72naakosamay ?????? @lanirevilla

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

NOEL FERRER: Strong words! Ang maganda kay Lani Mercado, tahimik lang siya. Mahihiya na lang iyung gumagawa ng masama sa kanya. Sa pinagdaanan nilang mag-asawa, lalo pa silang tumatag, at walang bumitaw. Tunay na nakakahanga.

GORGY RULA: Ang dami sa IG followers ang naintriga sa "magnanakaw" na sinasabi ni Manay Lolit. Ang hula ng karamihan ay si Gretchen Barretto raw ito. Naku! Baka sakyan na naman ni La Greta iyan! Alam ko, hindi si Gretchen ang tinutukoy ni Manay Lolit. Iba yun, tiyak! Matagal na yung episode na yun ni Gretchen.

JERRY OLEA: Tinext ko si Manay Lolit kaugnay sa akala ng netizens na si Gretchen ang pinatatamaan niya. Paglilinaw ni Manay Lolit, "Hoy! Patama iyon sa mga mistress, noh?! Dialogue ni Last Empress iyon sa mga babaeng kumakabit sa may asawa, parang magnanakaw na kinukuha ang pag-aari ng iba. Kasalanan ko ba na ang lakas ng dating sa akin ng dialogue na iyon? Bakit ako na lang ang lagi ang may sala at lahat ng ginagawa ko, nilalagyan ng malisya? Parang feeling ko, inaapi ako ng lahat. Huh huh!"

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN