Ano ang kinalaman ni Candy sa buhay nina Sylvia Sanchez at Lani Mercado?

by PEP Troika
Apr 8, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Matamis ang konek nina Sylvia Sanchez at Lani Mercado sa isa’t isa.

Itinanghal si Sylvia na best actress ng Sinag Maynila 2019 para sa pelikulang Jesusa nitong Abril 7, Linggo ng gabi, sa Conrad Hotel.

Jesusa Victoria G. Hernandez ang tunay na pangalan ni Lani.

Dahil sweet si Lani noong bata pa, naging palayaw niya ang Candy.

Si Sylvia ay Jossette Campo-Atayde sa totoong buhay, ngunit gumamit noon ng pangalang Candy sa entablado.

Continue reading below ↓

Sina Sylvia at Lani ay dalawang babaeng nalagpasan ang maraming pagsubok sa buhay.

Lalo silang naging mapagkumbaba sa tinatamasang tagumpay.

May thanksgiving party si Sylvia para sa mga biyayang natatanggap niya, samantalang sunud-sunod ang pagdiriwang ni Lani kaugnay sa ika-51 kaarawan niya sa Abril 13.

Mabuhay kayo, Jesusa/Candy!

NOEL FERRER: Nagawan talaga ng konek! Wagi!

Basta, using Jesusa’s words, at least ngayon, kinikilala sila sa kanilang husay at hindi na sila tinatawag na starlets.

GORGY RULA: Isa ito sa pinakamasayang kaarawan ni Lani Mercado dahil alam ng lahat na kumpleto na sila ngayon sa labas.

Kaya kumpleto rin silang magbabakasyon sa Boracay sa darating na Semana Santa.

Ito ang nakaugalian nila kapag Holy Week, kaya excited si Lani sa nalalapit nilang bakasyon.

Si Sylvia naman ay nakatakdang lumipad patungong Dubai para mag-shoot doon ng episode niya sa OFW The Movie.

Masaya rin niyang ikinuwentong nakipag-ugnayan na siya sa ambassador ng Philippine Embassy sa Los Angeles, California dahil sila ang nag-aayos sa paghahanap sa kanyang tunay na ama.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results