Arjo Atayde, no comment sa pagkukumpara sa kanila ni Alden Richards

by PEP Troika
Apr 9, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Sabi nga ni Tito Gorgy, may shots sa pelikulang Stranded na kamukha ni Arjo Atayde si Alden Richards.

“No comment po. No comment po,” malumanay na komento ni Arjo sa thanksgiving lunch ng Atayde family nitong Abril 9, Martes sa Lazat restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

Pareho kasi silang may dimples.

“No comment po.”

Continue reading below ↓

Ano ang comment niya pag naikukumpara siya kay Alden?

“Wala po. Wala po. No comment lang,” nakangiting sambit ni Arjo.

Nabasa niya ang hanash ng ex niyang si Sammie Rimando, na member ng GirlTrends?

“No comment po.”

Sabi kasi ni Sammie, “I’m happier siya...”

“No comment.”

Happier ba ngayon si Arjo?

“No comment.”

Tawanan na lang ang mga nag-iinterbyu kay Arjo.

In fairness, magiliw niyang sinagot ang mga tanong tungkol sa pelikulang Stranded, digital series na Bagman, at teleseryeng The General’s Daughter.

Pinagbigyan niya ang lahat ng nakipag-selfie at nagpalitrato sa kanya.

OK lang kahit may beteranong reporter na todo-pulupot sa kanya.

At siyempre pa, nagpapasalamat ang media people sa bonggang pa-raffle ng Pamilya Atayde.

GORGY RULA: Mahirap nang pagbintangan si Arjo na ginagamit si Alden para mapag-usapan.

Bukod pala sa mga nabanggit na projects, kasali si Arjo sa Darna movie kung matutuloy man ito.

Napangiti lang siya at “hindi ko alam” ang safe niyang sagot nang ibinuking ni Jessy Mendiola na kasama rin si Arjo sa cast ng Darna na pagbibidahan dapat ni Liza Soberano.

Continue reading below ↓

Hindi lang alam kung mababago ang cast kapag nakapili na ng bagong Darna, na parang nakakaumay nang pag-usapan.

NOEL FERRER: Hello, Love, Goodbye ang napabalitang working title ng movie nina Alden at Kathryn Bernardo, na nagsu-shooting na sa Hong Kong.

One month si Kathryn sa HK.

Si Alden ay 21 days lang daw dahil mag-o-open ang McDo franchise niya sa Laguna.

Mag-hello kaya ang mga tao sa KathDen movie? Sana.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results