Beking kapatid ng broadcast journalist, hinoldap ng lalaking pinikap

by PEP Troika
Apr 10, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER: Mainit ang panahon kaya maiinit din ang blind items natin.

Ang tsikang ito ay puwede ring magsilbing babala.

Ito’y tungkol sa kapatid na beki ng isang broadcast journalist.

Naglimayon ang beki sa isang mall sa Cubao, Quezon City.

Ayun, nabighani ang beki sa isang hombre at agad silang nagbiyahe papuntang langit sa kalapit na motel.

Continue reading below ↓

Ang siste, nang oras ng bayaran, kinuha ng hombre ang cell phone ng beki at humingi ng pera na mas malaki sa usual na ibinibigay sa serbisyong totoo.

P10K ang hiningi ng lalaki kapalit ng hinostage na celphone.

Kahit highway robbery ang presyo, ibinigay na lang ng beki ang hinihinging pera ng hombre.

Umiiwas ang beki sa iskandalo at baka madawit ang ate niyang napapanood kung umaga at gabi sa TV.

JERRY OLEA: Por Dios santo!

Buti at hindi sinumpong ng diarrhea ang beki. Sandaling kaligayahan sa kapirasong laman!

Salamat sa mga santo, ang biyaheng langit ni beki ay hindi nagtuluy-tuloy sa impiyerno, kundi’y aalalahanin na lang siya sa araw ng TLS.

Pera-pera ang labanan, ‘tsura ng paghagip ng suwerte sa perya-perya!

GORGY RULA: Totoo bang naglipana talaga sa Cubao ang mga lalaking pa-booking, na ang iba ay Grade 11 pa lang?!

Dapat, ingat-ingat na lang.

Mas mabuti sigurong sabihin na ni beki sa ate niya ang nangyari para hindi na ito magulat sakaling kumalat at pag-usapan pa ito.

Continue reading below ↓

Sa panahon ngayon, dapat talagang mag-ingat, at mas mabuting huwag kumuha sa mga kumakalat sa mall.

Malaking bagay na ang nagagawa ng social media (Facebook, Twitter, Instagram) dahil doon na nakakapag-booking ang iba.

Di ba, ang ibang dating sexy actors ay sa FB nakikipag-booking sa mga kaibigang bading?

Ang isang dating sexy actor na nakagawa ng ilang indie films, doon nakipag-deal sa mga kaibigang beki.

Pero ngayon ay tumigil na raw siya pagkatapos magpakasal sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Ang narinig ko pa na nagkasal sa kanila ay si Mayora na asawa ng kilalang actor-politician.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results