Arjo Atayde, umiiwas mapag-usapan si Maine Mendoza

IMAGE Jerry Olea / @mainedcm Instagram

JERRY OLEA: Anuman ang kahinatnan ng pelikulang Stranded na palabas na sa mga sinehan, tuloy ang career ni Arjo Atayde.

Posibleng magka-Season 2 ang digital series niyang Bagman na ini-stream sa iWant.

"I’m very thankful sa pagtanggap ng mga tao sa Bagman,” sambit ni Arjo. 

Nakapanayam namin ang aktor sa thanksgiving lunch tendered by the Atayde family, nitong Abril 9, Martes sa Lazat, Sct. Limbaga St., Quezon City.

"Relevant ang Bagman sa today’s news. Iyong significance niya, malaki sa nangyayari ngayon sa Pilipinas.

"It’s an eye-opener. Imagine mo, we could possibly produce something as good as Narcos.

"Hopefully, magkaroon ito ng Season 2. People are asking na magkaroon ito ng another season, so I’m very blessed, I’m very thankful talaga.

"I enjoyed it pero sobrang ang hirap po niyang gawin! I cannot explain!

"As subtle as I can be on the screen, it’s so hard."

Andiyan pa rin siya sa Kapamilya teleseryeng The General’s Daughter, na mukhang tatagal pa sa ere.

"The General’s Daughter, it’s my second family. I’m so happy sa teleseryeng iyon, sa mga tao," lahad ni Arjo.

"Sa mga artista, sa direktor, sa lahat. Everyone! Everyone!

"With the good relationship that we have, I think it’s gonna last for a long time."

Malamang sa alamang na magka-award si Arjo sa pagganap niya sa pelikulang Buy Bust.

Nababalitang kasama rin siya sa cast ng pelikulang Darna.

Malabong magtambal sila ni Maine Mendoza sa movie.

Mas malabo na maging love triangle sila nina Maine at Alden Richards sa pelikula.

GORGY RULA: Nagagalit ang fans na feeling nila, nagagamit lang sina Alden at Maine para mainit na pinag-uusapan si Arjo.

Kaya patatahimikin na natin sila.

Pawang "no comment" naman ang sagot ni Arjo, kaya wala na tayong mapipiga sa kanya.

Ang abangan na lang natin ay ang nalalapit na grand opening ng McDonald’s ni Alden sa Abril 26.

Ayon sa ating source, kailangang tapusin na ang sinu-shoot na eksena ni Alden sa Hong Kong bago mag-April 23, dahil kinabukasan ay ang blessing ng food chain nito sa Biñan, Laguna.

Sa April 26 daw ang grand opening.

Sana, imbitado si Maine Mendoza na ka-partner ni Alden sa endorsement nito.

NOEL FERRER: Ang saya na sinusubok ang maturity ng mga tao sa pagtanggap kung ano ang pang-reel at real sa mga artista.

Mahirap ito sa loyal fans. At pati sa media people na laging maghahanap ng kontrobersiyal na anggulo sa mga bagay-bagay.

Pero good luck whether together or apart kina Alden, Maine, at Arjo!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN