Ryan Agoncillo, tututukan ang bagong 'baby' nila ni Judy Ann Santos

IMAGE Noel Ferrer

NOEL FERRER: Nag-celebrate ng 40th birthday ang panganay na alaga naming si Ryan Agoncillo nitong Abril 10, Miyerkules ng gabi, sa isang simpleng salu-salo kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan sa Toyo Eatery, Makati City.

“Matanda na tayo para sa mga sorpresa,” sabi ni Ryan.

Mas nae-enjoy na niya kasi ang mas relaxed at chill na usapan lalo pa’t naghahanda na ito sa pagiging entrepreneur nila ng asawang si Judy Ann Santos.

Next month na ang pasinaya ng kanilang food business.

The name of the food establishment is patterned after one of Juday’s signature dishes na may magandang kuwento.

Palilipasin lang ng mag-asawa ang celebration ng kanilang 10th anniversary before they talk about their new new baby—a really exciting hole-in-the-wall in the metro.

Tuloy pa rin si Ry sa kanyang pag-i-Eat Bulaga, at hinihintay niya ang horror project na inu-offer sa kanya ng kaibigang Topel Lee.

Sana, magswak sa schedule. Kasi, mukhang magha-hands ang mag-asawa sa bago nilang baby project na ito.

JERRY OLEA: Patuloy na matibay ang pagmamahalan nina Ryan at Juday.

May mga nag-akala kasing sila yung showbiz couple na nagkalabuan noong Disyembre, at malamig ang pakikitungo ni mister kay misis.

E, sina Juday at Ryan, matindi pa rin ang init factor sa isa’t isa. Sizzling hot!

GORGY RULA: Kaya pala sinasabi na ni Juday na medyo magbabawas na siya ng trabaho at mamimili na siya ng project na tatanggapin.

Kasi, meron na siyang ibang pagkakaabalahan. Iyan talaga ang gustong gawin ni Juday.

Nakadalawang restaurants na si Juday, di ba?

Sana mas mag-hit itong bagong “baby” nila para masubukan natin kung maganda ba ang kumbinasyon nina Juday at Ryan sa negosyo.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN