Nadine vs Pia vs Sarah vs Maine as new Darna?

IMAGE Instagram

JERRY OLEA: Gumanap si Liza Soberano bilang Pia Wurtzbach sa life story nito sa MMK.

Nang mag-beg off si Liza sa Darna movie, nagpasabi si Pia na handa siyang saluhin ang role na iyan.

If ever, magtatanong kaya si Bea Alonzo, “Bakit?”

Kung si Bea ang maging bagong Darna, papayag kaya si Pia na gumanap na Valentina? Siyempre, hindi.

(L-R) Nadine Lustre, Pia Wurtzbach, Sarah Geronimo, and Maine Mendoza

Ang mga sikat na love team ngayon... KathNiel, LizQuen, JaDine, AlDub, JoshLia.

Dati pa namang tumanggi si Kathryn Bernardo sa pagda-Darna.

Puwedeng mag-Darna sina Maine Mendoza at Julia Barretto, pero marami ang nagsusulong na kay Nadine Lustre ipasa ang bato ni Darna.

Naibalita noong Hunyo 2018 na nakatoka kay Nadine ang pagganap bilang Maria Makiling, kung paanong si James Reid ang bagong Pedro Penduko.

Nasa freezer pa ang mga proyekyong iyon.

Ano kaya kung si Nadine ang nakatakdang maging millennial Darna?

NOEL FERRER: OK naman sa akin kung si Nadine Lustre.

OK rin sa akin kung si Catriona Gray.

Pero mas long shot talaga ang boto ko.

Ang gusto ko talagang lumipad bilang Darna ay si Sarah Geronimo. #wishfulthinking

GORGY RULA: Sabi ni Jessy Mendiola nang nakausap namin sa premiere night ng Stranded, karamihan sa millennials ay hindi na kilala si Darna.

Pero alam daw niya ang ibang kasama sa cast ng Star Cinema project.

Napangiti nga siya nang binanggit namin si Arjo Atayde.

“Hindi ko alam,” sagot naman ni Arjo.

Sabi pa ni Jessy, tingin niya ay hindi siya nababagay sa Darna.

Gaya ni Lea Salonga, naniniwala si Jessy na mas maganda kung morena ang bagong Darna.

Dapat daw, Pinay na Pinay ang look.

Kung morena at Pinay beauty, tingin ko ay mas nababagay si Maine Mendoza.

Hiniram na rin lang ng Star Cinema si Alden Richards, bakit hindi nila kunin si Maine at posibleng makipag-co produce sa APT Films?

Between Nadine and Maine, mas type ko ang huli.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN