Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Maine Mendoza, Jennylyn Mercado kinukunsidera rin bilang Darna

by PEP Troika
Apr 12, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Lalong nagningning ang bituin ng mga Kapusong sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado nang gumawa sila ng pelikula sa ABS-CBN Star Cinema.

Ngayon ay nasa Hong Kong si Alden Richards at nagsusyuting ng Star Cinema movie na Hello, Love... Goodbye katambal si Kathryn Bernardo.

Matindi ang clamor ng fans na si Maine Mendoza na sana ang magbida sa Darna movie ng Star Cinema.

Continue reading below ↓

Possible ba iyon?

“We don’t want to comment po, pero salamat sa mga nakaisip na puwede sya mag-Darna,” sabi ni Rams David (president ng All Access to Artists, Inc., nagma-manage kay Maine) nang maka-chat ko nitong Abril 12, Biyernes ng umaga, sa Messenger.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Honor para sa isang artistang babae ang mabigyan ng ganyang chance. Si Maine lang ang makakasagot sa mahiwagang tanong.

“I will ask her kung ano masasabi niya na may clamor na siya ang maging Darna.”

NOEL FERRER: Habang palaisipan pa ang papalit at magiging Darna, isang major consideration ang aktres na malapit sa akin na matagal nang natengga at nag-training bilang tagapagsalin ng powers at moral compass ni Darna.

Matiyagang naghihintay lang ang aktres na ito na, in fairness, napalitan na silang lahat, siya ay nananatiling matatag at nakapirmi pa rin sa role niya simula pa noong kay Erik Matti.

Kung maging si Maine o kung sino man ang magiging final choice, sana kasabay ng paglipad ng Darna ang paglipad ng box-office gross ng mga pelikulang Pilipino na kailangang maisalba ng superpowers!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Bukod kay Maine, kabilang pa sa Kapuso stars na sina-suggest ng ilang netizens ay sina Jennylyn Mercado at Sanya Lopez.

Sa mediacon ng telepelikulang Love You Two kagabi, April 11, nagulat si Jennylyn nang sinabi sa kanyang isa siya sa gustong mag-Darna.

“Hindi ko po masyado nadidinig ‘yan.

Continue reading below ↓

“Siyempre, kung isa po ako sa nababanggit, flattering naman po yun,” sabi ng Kapuso actress.

Pero kaninang umaga sa radio program namin sa DZRH, si Maine talaga ang itini-text ng listeners na gusto nilang mag-Darna.

Ganoon kabongga si Menggay!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results