Clint Bondad, "binakuran" sa presscon ng Love You Two

by PEP Troika
Apr 13, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Ang modelong si Clint Bondad ang isa sa binakuran nang husto sa mediacon ng bagong rom-com series na Love You Two nitong Abril 11, Huwebes ng gabi, sa Studio 7 ng Kapuso Network.

GMA Artist Center na ang nagha-handle ng kanyang showbiz career kaya binantayan ito nang husto para hindi na matanong ang mga isyung kinasangkutan niya—mula kay Catriona Gray hanggang sa kumalat na video na may kahalikan siyang girl sa isang bar.

Continue reading below ↓

Kahit paano, nakasingit ang PEP Troika ng tanong kaugnay sa ilang intrigang kinasangkutan niya.

Ano ang payo sa kanya kung paano i-handle ang mga intriga? Apektado ba siya sa mga isyu tungkol sa kanya?

“Luckily, I don’t have any scandal. Ah, I was teasing,” napapangiti niyang sagot sa akin.

Ayaw na lang niyang isipin ang mga negatibong isyu, dahil may positive outlook daw siya sa buhay.

“It’s life, you know. Masaya naman ako palagi, e,” safe niyang sagot sa akin.

Pero isiningit ko na rin kung ano ang reaksyon niya sa kumalat na video kamakailan lang.

“Hindi ako yun, e. Hindi ako nag-iinom, e,” diretsong sagot ni Clint.

Basta, gusto raw niya ay positive lang at ngitian na lang mga intriga sa kanya.

“How can I complain? I’m always positive naman,” sabi pa niya uli.

Magku-complain pa ba siya sa magandang project na ibinigay sa kanya ng GMA-7?

Continue reading below ↓

Ang suwerte nga raw niya dahil si Jennylyn Mercado agad ang kasama niya sa first project niya bilang Kapuso.

Crush ba niya si Jennylyn?

“She’s my sister. Parang sister siya for me.

“In a nice way, yeah of course! Who’s not crushing over Jennylyn?

“She’s very beautiful ang super nice person.

“I mean, you know, imi-meet mo siya talaga sa set, always friendly, always nice, always smiling. She’s my idol,” pahayag ni Clint Bondad.

JERRY OLEA: Sarap-sarapan si Clint sa telepelikulang Love You Two bilang Theo, boyfriend ni Raffy Batungbakal (karakter ni Jennylyn) for 8 years.

Topless si Clint sa first scene. Babad sa kamera ang katakam-takam niyang katawan.

Baguhan pa lang si Clint kaya huwag na tayong umasang masasabayan niya ang intensity ng acting ng co-stars.

NOEL FERRER: Double ang pressure kay Clint dahil aside from shaking off yung pagkakabit ng pangalan niya kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, kailangang ipakita niyang may ibibuga siya sa pag-arte.

Continue reading below ↓

Kasi kung hindi, makabubuting magmodelo na lang siya.

Ewan kung gusto pa rin niyang balikan ang pag-indayog nang sexy sa ASAP.

Level up na ‘to, Clint!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results