JERRY OLEA: Nang mag-back out noon si Angel Locsin sa Darna project ng Star Cinema ay kung sinu-sinong pangalan ang lumutang.
Humupa lang ang hula-hula at speculations nang ihayag na si Liza Soberano ang bagong Darna.
E, nag-backout din si Liza dahil sa kirot ng kanyang daliri na dama ng kanyang buong katawan.
‘Tsurang pambansang isyu kung sino na ang millennial Darna.
More and more ang tweets ni Ethel Booba kaugnay sa usaping ito, lalo pa’t ang “bato” ay slang para sa shabu:
“Bilisan nyo na paghahanap ng susunod na Darna bago pa maadik si Ding sa bato. Charot!”
“Ang PDEA ang pipili ng susunod na Darna. Nasa narco list ang susunod na papasahan ng bato. Charot!”
“Shuta, wala ako balak mag-audition sa Darna pero ‘tong kanin na pinakain sa akin, may bato. Charot!”
“Ayoko, sumasabit pala sa ngipin ‘yung bato. Kipot ko pa naman ngumanga. Charot!”
NOEL FERRER: Sa aking panayam sa Level Up Showbiz Saturdate kay Ricky Lee nitong Abril 13, Sabado, ang sabi niya, kahit pa ma-delay, Darna will always be relevant.
At lalo na sa mga panahon ngayon na maraming pagsubok ang bayan, magandang makita kung anong klaseng pagka-Darna ang puwedeng makita.
Mas maganda pa raw na maging si Valentina at iba pang nakasanayang characters sa tradisyunal na Darna ay magsama-sama at mag-aalyansa laban sa isang mas nakatataas na kalaban.
Hindi ba tunay na progresibo ang pangitain na ito?
GORGY RULA: Tama si Sir Ricky Lee na manatili pa rin ang mga nakasanayan na karakter sa Darna.
Huwag na ring pagdiskitahan ni Iza Calzado ang costume ni Darna, kasi, nakasanayan na rin natin na ganoon na talaga ang costume niya.
Sabi ng iba, may mga millennials na hindi na ganoon kakilala si Darna kaya mas mabuting yun pa rin ang look kahit paiba-iba ang gumaganap.
Sa totoo lang, napakalaking isyu itong Darna na ang laki na ng nagastos ng Star Cinema, hindi pa rin umuusad ang film project na ito.
Wala pa ring nangyayari sa mga pelikula nating ipinapalabas sa mga sinehan. Hindi pa rin umuusad at patuloy pa ring lumalagapak sa takilya.
Hay!