JERRY OLEA: Tweet ni Direk Jason Paul Laxamana nitong Abril 13, Sabado nang hapon kaugnay sa poster ng pelikula niyang Between Maybes:
“This image perfectly captures the tone of the movie — serene, real, with emotions brewing silently underneath a colorful clash between two souls lost in Japan.”
Heto na po ang #BetweenMaybesPoster! This image perfectly captures the tone of the movie — serene, real, with emotions brewing silently underneath a colorful clash between two souls lost in Japan. Sa May 15 na po! Napakahusay nina Gerald at @BarrettoJulia #TakasTayo pic.twitter.com/ZH5XL3MeOk
— Jason Paul Laxamana (@jplaxamana) April 13, 2019
Mayo 15 ipapalabas ang nasabing pelikula ng Black Sheep, na nag-produce ng LizQuen blockbuster na Alone/Together. Nag-shoot ang Between Maybes noong Marso 15-28 sa Saga Prefecture, Japan.
280 characters lang ang pwede sa Twitter. Sa post ni Direk Jason Paul sa Facebook nito ring Abril 13 nang hapon, mas mahaba ang kanyang deskripsyon.
Ani Direk Jason Paul sa FB, “Special ang project na ‘to dahil first time kong mag-shooting sa Japan. “First time kong makatrabaho ang mga Hapon. First time ko rin makatrabaho sina Gerald Anderson at Julia Barretto na talaga namang napaka-committed sa kanilang craft.
“Kaya kahit limitado ang tao at gamit abroad, hindi naging ganoon kahirap ang shoot.
“Marami sa mga eksena, kahit yung mabibigat, isang take lang kinukunan kasi ganun kanatural yung dalawa.”
Mapapanood ang unang teaser ng Between Maybes ngayong Abril 14, Linggo ng Palaspas, 3:00 PM sa Facebook page ng Black Sheep.
NOEL FERRER: Isa si Direk Jason Paul Laxamana sa mga mahuhusay na direktor ng kanyang panahon.
Nananalig ako sa kanyang excellence bilang filmmaker.
I look forward to this new combination of Gerald and Julia.
Teka! Wala naman sigurong anumang ikakabahala si Bea Alonzo rito—di tulad noong kay Pia Wurtzbach!
GORGY RULA: Wala akong ideya sa kuwento nitong Between Maybes kaya hindi ko pa alam kung may chemistry ba sina Gerald at Julia.
Pero magaling umarte si Julia, kaya kampante akong may nagawa si Direk Laxamana na hindi pa naipakita ng young actress sa iba niyang pelikula.
Inaasahang mag-hit din ito sa takilya, na lumalabas tuloy, mga pelikula lang ng ABS-CBN Network ang kumikita.
Dahil sa lakas ng TV network na ito, yun ang lamang ng mga pelikula ng Black Sheep at Star Cinema sa ibang pelikulang hindi kumikita.
Sana, makabawi ang mga susunod na pelikulang gawa ng Regal, Viva, at iba pang produksyon.