Pool parties, lalong magpapasaya ngayong summer sa Boracay


JERRY OLEA: Mistulang daytime party sa Las Vegas at Ibiza ang Hottest Pool Parties ng Aqua Boracay (resort sa Bulabog Beach, Balabag, Boracay Island) sa Holy Thursday at Easter Sunday, 11 A.M. hanggang 8 P.M.

POPSICLE ang party sa Abril 18, Huwebes Santo. It’s a colorful, candy inspired fantasy with the pop music hits of Britney, Beach Boys & Backstreet Boys.

SOAK ang ultimate beach house party sa Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay, reminiscent of the global dance phenomenon, Hed Kandi.

Pangungunahan ang mga ito nina DJ Special T at DJ Vega.

Libre ang drinks dito! Libre rin ang invites sa mga party na ito na strictly invitational.

Para makasali sa guestlist, mag-text kay Jess sa 0917-977-5399.

Para sa updates, i-like ang Aqua Boracay sa Facebook, at i-follow sa Instagram.

Ang Aqua Boracay ay isang 5-star luxury resort na 5-minute walk from D’Mall.

GORGY RULA: Marami ang nag-aabang kung gaano kahigpit ang security sa Boracay pagkatapos itong na-rehabilitate noong nakaraang taon.

Ito ang unang Holy Week vacation sa naturang isla kung saan nalinis na at puspusan ang kanilang pagbantay sa kalinisan at kaayusan nito.

Tiniyak ng mga taga-Aqua Boracay na masusunod nila ang lahat na requirements sa pagkakaroon ng pool party event.

Inaalam pa ng PEP Troika kung sinu-sino ang celebrities na dadalo sa naturang event.

NOEL FERRER: Naku! Lumipad papuntang Boracay ang pamilya ni Adrian “Luis” Alandy at susubukan ng pamilya niya ang rehabilitated Bora.

Mabuti naman at maraming activities ulit, pero within limits at iyung hindi makakasira ng environment!

Isang blessed na Holy Week sa ating lahat!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN