Shooting ng Kathryn-Alden movie sa Hong Kong, dinudumog ng OFWs

IMAGE Courtesy of Min Bernardo

NOEL FERRER: Panggabing bar boy ang role ni Alden Richards sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Kasama ni Alden bilang katrabaho at kabarkada sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam.

Panggabi ang mga eksenang kinunan nila.

Inuumaga sila sa mga wholesome bar scenes na magiging tagpuan nila ni Kath.

Kahit Holy Week at ratsada sila sa trabaho, may panahon pa rin sila sa pagninilay at pagdarasal.

Kaya ipinaabot ni Alden ang espesyal na mensaheng ito sa ating mga ka-Troika at PEP Alerts followers:

“A Blessed Holy Week sa ating lahat!”

JERRY OLEA: Tulung-tulong ang fans nina Alden Richards, Kathryn Bernardo, at Maymay Entrata para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Good vibes lang, bawal ang negatrons, lalo na ngayong Semana Santa!

Isapuso natin ang kabuluhan ng linggong ito!

GORGY RULA: May listeners ako sa radio program namin sa DZRH na taga-Hong Kong, na nagti-text sa amin na kesyo inaabangan nila ang shooting doon nina Alden at Kathryn.

Ang ilan ay nag-request sa amo nila ng change day-off para mapuntahan nila kung saan sila nagsu-shooting.

Isang listener namin ang nag-text na nakita niya si Kathryn sa Northpoint at napakasimple raw ng Kapamilya young actress. Guwapung-guwapo naman siya kay Alden.

Sana, hindi naaantala ang shooting ng Hello, Love, Goodbye sa dami ng fans na nakikiusyuso sa kanila.

Sabi ng taga-GMA Artist Center, kailangang makabalik ni Alden sa April 24 para sa blessing ng McDo outlet niya sa Biñan, Laguna, at paghahanda na rin sa grand opening nito sa April 26.

Curious ako kung inimbitahan ba si Maine at kung dadalo ito.

Sana nakabalik na niyan si Maine mula sa out-of-the-country Holy Week vacation nila ni Arjo Atayde, di ba?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN