Lenten special ng Eat Bulaga!, tinalo sa ratings ang It's Showtime?

Lenten special ng Eat Bulaga, tinalo ang sa It's Showtime?
by PEP Troika
Apr 17, 2019
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga!

GORGY RULA: Ayon sa AGB NUTAM, mataas ang ratings ng Lenten Special ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! na nagsimula noong Lunes, April 15.

Nakakuha ng 7.6% ang "Bulawan" episode noong Abril 15, Lunes Santo. Tampok sa episode na ito sina Joey de Leon, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Baste, Wally Bayola, at Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang katapat na ABS-CBN noontime show na It’s Showtime TV special ay 6.2% ang nakuha at naka-tie pa nito ang sumusunod sa Eat Bulaga! na seryeng Dragon Lady.

Nitong Martes Santo, Abril 16, ang handog ng Eat Bulaga! na "Biyaheng Brokenhearted" ay 6.3% ang rating.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tampok sa episode na iyon sina Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez, at Maureen Wroblewitz.

Special guests nila sina Rafael Rossel at Jennica Uytingco.

Ang katapat na It’s Showtime ay 5.9% ang rating, at natalo pa ito ng Dragon Lady na may 6.1%.

Nitong Abril 17, Miyerkules Santo, sina Vic Sotto, Pauleen Luna, Jose Manalo, Jimmy Santos, at Ryza Mae Dizon ang tampok sa "Ikigai" episode na kinunan sa Japan.

JERRY OLEA: Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, nitong Lunes Santo ay naka-16% ang Holy Week Special ng It’s Showtime, kontra sa 13.4% ng Lenten Special ng Eat Bulaga! at 14.9% ng Dragon Lady.

Nitong Martes Santo, naka-16% muli ang Holy Week Special ng It’s Showtime, kontra sa 11.9% ng Lenten Special ng Eat Bulaga! at 13.4% ng Dragon Lady.

NOEL FERRER: Panata na ng pamunuan ang ganitong paggawa nila ng makabuluhang drama tuwing Mahal Na Araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, may special pa sa Sabado de Glorya si Alden Richard na isang telemovie under Direk Mike Tuviera.

Paalala ito na sa gitna man ng ating kasiyahan ngayong panahon ng Semana Santa, pagyabungin pa natin ang pagiging malapit sa ating Diyos na nagpakahirap, namatay, at nabuhay na magmuli para sa atin!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results