Prime-time TV star, sinangla ang kaluluwa kapalit ng tagumpay?

by PEP Troika
Apr 18, 2019

JERRY OLEA: Nananalig ang isang self-proclaimed mangku or 'mangkukulam' na may mga taong nagsasangla ng kaluluwa sa diablo kapalit ang tagumpay at kasaganahan sa buhay.

Biru-biruan nila ng mga kapwa mangku na nakipagkasundo sa devil ang isang prime-time TV character kaya hindi ito mamatay-matay.

Hinihinala ring nakipag-bargain sa demonyo ang owner ng isang international brand ng sapatos, ang may-ari ng patok na patok na meryenda, at ang sikat na sikat na TV host.

Continue reading below ↓

"May kapalit na buhay ang ganyang tagumpay," pakli ng mangku na sakdal hiwaga ang ngiti nang makatalamitam ko.

May mga naniniwala na ang mga kampon at nilalang ng kadiliman ay pinakamalakas tuwing Biyernes Santo, kung kelan nalagutan ng hininga si Kristo.

Sa mga panahong iyon din umano nakakakuha ng mga agimat o anting-anting.

NOEL FERRER: Hindi naman siguro totoo ito!

Ngayong simula na ng opisyal na bakasyon at panahon ng pagninilay-nilay, more prayers, and good deeds na lang sana.

Mukha namang pina-practice nitong tinutukoy sa B.I. at marami nang natulungan itong prime-time TV personality na ito.

So, always, there is room for conversion!!!

GORGY RULA: Kapag ganitong Semana Santa, ang daming nagaganap at naiisip na kailangang pag-ingatan natin at baka pumasok ang hindi magandang espiritu.

Kaya ayoko na sanang i-entertain ang ganung tsismis dahil parang hindi naman totoo ang ibinibintang sa TV host na iyon.

Ngayong panahon ng pagninilay at pagtitika, subukan din natin ang kakaibang karanasang ito.

Continue reading below ↓

Mamayang alas-onse ng gabi ay may paanyaya ang kilala sa showbiz na psychic at spirit questor na si Atty. Nick Nangit.

Ngayon daw niya gagawin sa kanyang Facebook na ila-live ang Wiccan practice na ginagawa niya pagsapit ng Biyernes Santo.

Sabi niya sa kanyang Facebook account na ipinost kahapon, April 17, “Bukas Huwebes Santo 11 nang gabi na ang FB Live Semana Santa Special: Gabi ng Lagim!”

Live niyang gagawin ang practice ng isang mangkukulam.

Kung ang karamihang mangkukulam ay pumupunta sa Siquijor para sa isang summit doon tuwing Biyernes Santo, gagawin naman ito ni Atty. Nick sa kanyang FB account nang live.

Kung curious kayo, puwede niyong abangan mamayang gabi, pero mag-ingat din at kailangang armado kayo ng dasal at matibay na pananampalataya sa Diyos.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results