JK Labajo at Maureen Wroblewitz, magkasama ngayon sa Boracay?

by PEP Troika
Apr 19, 2019
PHOTO/S: @karloslabajo Instagram

JERRY OLEA: “Kapag may katwiran, ipaglaban mo.”

Lumalaki ang sigalot kina Darren Espanto at Juan Karlos “JK” Labajo na parehong produkto ng The Voice Kids (2014) ng ABS-CBN.

Wagi sa nasabing reality competition si Lyca Gairanod. Runner-up si Darren. Third place si JK.

Pare-pareho silang nag-artista, pero nangibabaw ang kanilang pagiging mang-aawit.

Continue reading below ↓

Sumiklab ang Twitter war nina JK at Darren noong Oktubre 2018 dahil sa tweet ni JK na “gayness at its finest” patungkol kay Darren.

Depensa ni JK, na-hack ang kanyang account at hindi siya ang nag-tweet niyon.

Kapwa sila 17-anyos nang umarangkada ang kanilang patutsadahan.

Noong Pebrero 5 nag-18 si JK. Sa Mayo 24 pa mag-e-18 si Darren.

Sa unang gabi ng Rakrakan Festival: 2 Days of Peace, Love & Music noong Marso 1, Biyernes sa Circuit Makati, minura ni JK ang fan na paulit-ulit na humiyaw, “I love you, Darren!”

Sabi ni JK, nabubuwisit siya sa pangalang iyon.

Kapagkuwan ay naibalita ng PEP Troika na kinasuhan ng ina ni Darren si JK.

Naguluhan ang PEP Troika sa bali-balitang Marso inireklamo si JK sa korte ng abogado ni Darren na si Atty. Lorna Kapunan.

Marso 1 ba mismo idinulog sa piskalya ang reklamo kay JK, o matapos ang Rakrakan 2019?

Ayon kasi sa source ng PEP Troika, bago maganap ang Rakrakan kinasuhan ni Darren si JK, kaya ganoon na lang ang ngitngit ni JK nang paulit-ulit itong sigawan ng “I love you, Darren!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: If reports are true na magkasama sina JK at Maureen Wroblewitz sa Boracay, he must be in a good place.

Kaya sana, umayos na rin siya at tumalima. Be self aware and be slow to anger. And in the end be ready to forgive and ask forgiveness.

Darren is already crowned as young music royalty with his last Aces concert.

Sana wala na rin siyang bagahe sa puso niya—kay JK man na idinemanda na niya o kay Jed Madela.

Sana’y hindi totoo ang balitang may pagtatanggi na raw na makasama niya si Jed sa isang concert. Bakit kaya?

Ngayong panahon ng pagninilay-nilay, sana ay maging totoo lang ang lahat sa sarili.

At kasabay nito ay tanggapin ang natural na pagkatao, kabutihan man o kakulangan, ng bawat isa.

GORGY RULA: Parang keber na iyan ngayon ni JK, ha?

Mukhang masaya siya sa kanyang bakasyon.

Magkasama nga kaya sila ni Maureen Wroblewitz sa Boracay?

Continue reading below ↓

Itanong natin sa buwan...

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @karloslabajo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results