Coco Martin, may patama sa mga nambabatikos sa kanya

by PEP Troika
Apr 22, 2019
PHOTO/S: @mr.cocomartin Instagram

GORGY RULA: Wala pang isang oras na ipinost ni Coco Martin ang mahaba niyang pahayag kaugnay sa isyung kinasangkutan niya, kaagad na pinutakti ito ng mga komento.

Karamihan ay mga suporta at umaayon sa mga pahayag niya.

Base ito sa comments' section ng Instagram post ni Coco, noong madaling araw ng Linggo, April 21.

Continue reading below ↓

Pero meron pa ring patuloy na nangungulit kaugnay sa isyu nila ni Julia Montes.

Halos iisa ang mga tanong sa kanya kung totoong nanganak ba ang Kapamilya actress.

Iyon siguro ang dahilan kaya tinanggal na lang nito ang comments section sa kanyang Instagram account.

Halatang galit ang Kapamilya Prime-time King sa mga post niya, at hindi lang matiyak kung sino ang taong pinatutungkulan niya sa mensaheng ipinost.

Pagkatapos ng mahabang hanash na iyon, magkasunod ang post niya na quote cards na tila sa iisang tao pa rin niya ito pinatutungkulan.

Sabi sa quote na ipinost ng aktor, "If you don’t know the whole story, shut up."

At meron pang kasunod na, "I am only responsible for what I say not what you understand."

Ngayong Lunes ng umaga, April 22, magkakasunod ulit ang cryptic quotes na ibinahagi ni Coco.

"People will provoke you until they bring out your ugly side, then play victim when you go there."

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

????

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Ayon sa isa pa niyang post, "THE GOD BEHIND YOU IS STRONGER THAN THE ENEMY IN FRONT OF YOU."

View this post on Instagram

????????????

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Tila may kaugnayan pa rin ito sa isyu dahil panay ang gamit ng aktor ng strong, prayers, at fist bump emojis, na nagpapahiwatig na nagpapakatatag siya sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya.

Sa pagkaalala ko, ngayon lang nag-rant ng ganyan si Coco sa kanyang social media account.

Kaya ramdam mong masama talaga ang loob niya.

NOEL FERRER: Kung sino man ang pinapatungkulan ni Coco ng message niya ay mukhang apektado nang lubos si Coco, lalo pa’t hindi karaniwan ang post niyang ito patungkol sa sinasabing balita ukol sa kanya.

Ako, ang palagi kong recourse sa mga ganito na bagay sa sitwasyon ni Coco—your best weapon is always your good work. Nothing more.

JERRY OLEA: "Lilipas din ito."

Mawawala ang ngitngit ni Coco sa isyung kinasasangkutan niya, lalo pa’t patuloy siyang binibiyayaan ng Panginoon.

Continue reading below ↓

Lalabas ang totoo sa tamang panahon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @mr.cocomartin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results