Sino ang bagay na leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of The Sun?

by PEP Troika
Apr 22, 2019
PHOTO/S: Bernie Franco

GORGY RULA: Pagtapos pumirma ni Dingdong Dantes ng three-year exclusive contract sa GMA-7, pormal nang in-announce na siya na ang gaganap na bida sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun.

Inanunsiyo na rin ni Lilybeth G. Rasonable, GMA-7 SVP for Entertainment TV, na bukod sa pagiging lead star ay bahagi rin ng creative team ng show ang Kapuso Prime-time King.

Continue reading below ↓

Definitely, hindi raw siya magdidirek pero isa si Dingdong sa may say sa seryeng ito.

Hindi napigilan ng aktor na maluha nang pinapanood niya ang AVP na inihanda para sa kanya.

Bumabalik daw kasi ang mga alaala niya sa Kapuso network noong nagsimula siya 21 years ago.

JERRY OLEA: Kahit 38-anyos na si Dingdong, bagay pa rin siyang gumanap bilang sundalo na nainlab sa isang doktora.

Sino kaya ang Beauty sa puso ni Big Boss? That is, sino ang gaganap na leading lady ni Dingdong?

Si Carla Abellana? Puwede rin sina Lovi Poe, Jasmine Curtis-Smith, Julie Ann San Jose, Yasmien Kurdi, Megan Young, at Kris Bernal.

NOEL FERRER: Dingdong Dantes truly proves na it also pays to be loyal.

He has made good career moves through movie stints that made his stature even bigger.

Pero iba talaga ang dalang respectability kapag nakakatawid ka mula sa entertainment patungo sa public affairs.

Continue reading below ↓

I still believe, and he know this, that Dingdong has a bigger mission aside from being a role model as an actor.

At 'lagi natin siyang susuportahan diyan!

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, GMA-7
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Bernie Franco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results