Sharon Cuneta, nilinaw ang tawag na 'neighbor' sa mister na si Kiko Pangilinan

by PEP Troika
Apr 23, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Marami ang naintriga sa post ni Sharon Cuneta sa nakaraang bakasyon nila sa South Korea kasama ang buong pamilya.

Sa caption kasi ng kuha nilang pamilya, tinawag niyang "neighbor" ang asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Sa mediacon ng Mother’s Day movie niya sa Reality Films na Kuwaresma nitong Abril 23, Martes, ay nilinaw namin kay Sharon ang tungkol sa post niyang yun.

“Neighbor ko yung asawa ko. Sabi ko sa kanya, ‘goodnight, neighbor’ kasi katabi ko siya.

"'Tapos, sasagot siya, ‘love thy neighbor.’

“Oo, housemate ko siya!” natatawang sagot ng Megastar.

Medyo naintriga uli kami sa isa pa niyang tawag na ‘housemate’ ang kanyang asawa.

Kaya sinundan ko ng tanong na baka ma-misinterpret ng iba ang ganoong tawagan nilang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Sabi ni Sharon, hindi na niya iniisip kung ano ang interpretasyon ng ibang tao.

Aniya, “Hayaan mo na sila kung gusto nilang i-interpret ng iba.

"Alam mo, people would believe what they want. So, let them.

"Basta kami, magkasama pa kami. Masaya naman ang mga bata, okay kami.

"Magtu-twenty-three years na kami,” makahulugang pahayag ni Sharon.

Medyo naintriga pa rin ako sa linyang “magkasama pa kami,” pero baka may namamalisyahan ko lang.

Basta ang sabi naman ni Sharon, sa dami ng mga “kuwaresmang” dumaan sa buhay niya, hindi na siya apektado kung meron pang darating.

“Wala namang tigil ang mga iyan. Lahat ng horror na naisip, lahat na mga demonyong nagdaan.

“Pero madali akong humugot, e, mga sad song lang, naiiyak na ako,” sabi niya.

Basta, armado si Sharon ng mga emosyon sa shooting ng Kuwaresma at nagamit niya ito nang husto sa mga mabibigat na eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Erik Matti, lalo na’t isa pang magaling na John Arcilla ang kasama niya.

Continue reading below ↓

Kaya abangan natin ang pelikulang ito na magsu-showing sa Mayo 15.

JERRY OLEA: “I am very proud of this movie!” mataginting na bulalas ni Sharon sa mediacon ng Kuwaresma.

“I’m very proud of all of our performances. And modesty aside, it really squeezed me.

"Everything I had, I think, I already put in this movie.

“I hope na huwag po ninyong palagpasin ito because it’s a... lalo na yung mga horror fans like me, kahit hindi ho, kasi kahit hindi kayo horror fans, it really is a horror movie, but it has a heart.

“Ahmm, hindi naman ako maiiyak sa takot lang, e. Maiiyak ka dahil may puso yung movie. May pupuntahan.

“So it’s on the secrets of this family na, in the end, kailangang lumabas, hindi puwedeng hindi.

“And yung bahay kasi, meron siyang sarili niyang history, na nagsimula pa noong panahon ng mga Hapon, World War II, or before that pa.

Continue reading below ↓

“Doon iyong start ng misteryo. And our family comes in without knowing the history of the house...”

Dagdag ni Sharon, “I am so proud of this movie that I am at the point of being confident that we can really deliver a good movie, and a movie that will be worth your hard-earned money.

“I hope that you give this movie a chance. It’s beautiful.”

Sundot ni Direk Erik Matti, para sa big screen ang Kuwaresma.

“We won’t be releasing this soon on any other platform,” sambit ni Direk Matti.

NOEL FERRER: Kakaibang pelikula ito na pang-Mother’s Day.

We would only wish the best for this movie na obvious namang isang malaking labor of love!

At nataon ding ilalabas ang horror film na ito in time for the elections.

Is this a sign of things to come sa darating na halalan? Huwag naman, please.

Kuwaresma hanggang sa pelikula lang sana!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results