Sikat na young actress, tinaguan ang maganda at kontrobersiyal na aktres sa beauty clinic

by PEP Troika
Apr 24, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Naiilang ang sikat na young actress (SYA) sa maganda at kontrobersiyal na aktres (MKA) na nakatrabaho niya sa isang primetime teleserye.

Walang ginawang masama si MKA kay SYA, pero umiiwas si SYA na makaharap o makausap si MKA.

Bagamat magkaibang henerasyon sina SYA at MKA, hindi mutually exclusive ang kani-kanyang ginagalawang mundo.


Continue reading below ↓

Minsan ay nasumpungan ni SYA na pareho sila ni MKA na nasa yayamaning beauty clinic.

Kasama ni SYA ang kanyang ina.

Paalis na sila sa beauty clinic, nang mabosesan ni SYA si MKA na ka-chika ang mga sosyaling amiga nito. Magkakasalubong sila!

Hinila agad-agad ni SYA ang kanyang ina at nagtago sila sa kurtina.

Nang makalampas si MKA at ang entourage nito, agad-agad na tumalilis si SYA at ang kanyang ina.

Hindi na aktibo sa pag-arte si MKA pero bahagi pa rin siya ng local showbizlandia at patuloy na nasasangkot sa kabit-kabit na isyu.

Ang dalawang artista na kapamilya ni MKA ay parehong magiliw kay SYA, at nagkasabay-sabay pa sila minsan sa elevator.

NOEL FERRER: Ganoon kasi ang patakaran sa mundo.

Habang sa showbiz, mainam kung mabuti ka sa lahat, iwas na lang tayo sa mga tao at bagay na mabigat at masalimuot.

Mabuti na lang at may solid na pamilya ang batang aktres (lalo na ang ina na lagi niyang kasama) to ground her and guide her path.

Continue reading below ↓

Happy for her!

GORGY RULA: Tama lang ang ginawa ni Sikat na Young Actress.

Kapag nagkita sila, baka magpa-selfie si Maganda at Kontrobersiyal na Aktres, magagamit na naman siya dahil tiyak na pipik-apin iyon.

At kapag nabasa ito ni MKA, baka gamitin pa niya ito para pag-usapan na naman siya.

Mas gusto ni SYA na tahimik na lang. Kaya siguro hindi sila naging close ni MKA nang magkasama sila noon sa isang TV project.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results