Avengers: Endgame fever, ramdam na ramdam sa Pilipinas

by PEP Troika
Apr 25, 2019

JERRY OLEA: Naka-P206M ang Avengers: Endgame sa unang araw ng showing sa Pilipinas nitong Abril 24, Miyerkules, ayon sa sources ng PEP Troika.

Hindi pa malinaw sa amin ang cut-off ng pagbibilang, dahil may mga sinehan na 24 oras ang pagtatanghal.

Panay-panay ang sold-out screenings, lalo na sa mga mamahaling sinehan.

Continue reading below ↓

Sabi ng takilyera sa VIP Cinema-Parkway ng Fisher Mall-Quezon Avenue, Quezon City, sa Mayo 1 pa available ang mga tiket doon. Wagi ang advanced ticket sales.

Sabi ng kasunod ko sa pila sa kasama niya, “Panoorin na natin ASAP! Next week, maglalabasan na ang spoilers sa Facebook!

“Hanap tayo ng available tickets, kahit madaling-araw!”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

GORGY RULA: Grabe nga! Ramdam na ramdam mo ang Avengers: Endgame fever! Pinag-uusapan siya kahit saang umpukan.

May iba pang tinatakpan ang tenga para hindi marinig kung sinu-sino ang mamamatay sa ending.

Iyon ba ang spoilers na sinasabi nila?

"E, pinag-uusapan na rin sa social media kaya lalabas iyang spoilers na sinasabi nila.

NOEL FERRER: Grabe talaga ang record na iyan.

At grabe rin ang suporta ng mga sinehan na nagbubukas nang 24 hours para sa isang pelikula.

Gusto ko talagang malaman, anong local film kaya ang aabot sa ganyang level ng suporta at pagtangkilik?

Sana, meron!!!

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results