Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

AlDub Nation, hindi pa rin sumusuko kina Alden Richards at Maine Mendoza

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Eat Bulaga!

JERRY OLEA: Andiyan pa rin ang pa-hashtag ng AlDub Nation kaugnay sa 197th weeksary nina Alden at Yaya Dub nitong Abril 25, Huwebes.

Siyempre, aabot iyan hanggang 200th weeksary.

Tuloy pa rin ang tandem nila sa Eat Bulaga.

Hanggang doon lang ba iyon, o susuporta si Maine sa opening ng McDo franchise ni Alden ngayong Abril 26, Biyernes, sa Biñan, Laguna, alang-alang sa kanilang friendship?

Continue reading below ↓

Higit pa sa ribbon-cutting ang kanilang pagkakaibigan, at may mga puwersang nananalig na mas mabuting kani-kanya na lang sana ng landas sina Alden at Maine.

Huwag na tayong hopia na magtatambal pa sila sa pelikula o teleserye in the near future. Ano kaya kung mag-duet sila ng "Con te partiro (Time To Say Goodbye)"?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER: Pero posible pa rin ang suporta ni Maine sa franchise ni Alden dahil nananatiling McDo endorser si Maine.

Oh well, sa ayaw at sa gusto kasi nila, magkakabit ang kanilang mga pangalan sa isang nakatatak nang showbiz phenomenon.

But now, they both have moved on.

Ang ADN kaya, naka-move on na?

GORGY RULA: Hindi pa rin sumusuko ang AlDub fans, pinapa-trending pa rin nila ang weeksary at kung anu-anong gusto nilang ipagdiwang sa tambalang Alden at Yaya Dub.

Pero sa napapansin ko, marami na rin ang nakapag-move on at nakapag-decide na kung kay Maine o kay Alden sila susuporta.

Continue reading below ↓

Marami rin sa Aldenatics ang tila nagtatampo kay Maine, kaya ayaw na rin nilang ikabit ang pangalan ng dalaga sa Pambansang Bae.

Kaya mukhang malabo na ang kung ano mang proyektong pagsasamahan nila. Hanggang Eat Bulaga na lang sila napapanood.

May iba na raw nakaplano kay Alden na hindi kasama si Maine.

Kailan kaya nila tatapusin ang weeksary na iyan?

Mamaya pala sa grand opening ng McDo ni Alden, nag-commit sina Ruru Madrid at Chynna Ortaleza na parehong close sa kanya para maging bahagi sa pagpapasinaya nito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results