Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, looking good sa pagiging magulang

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: “Motherhood looks good on you,” sabi ng kilalang furniture maker na si Vito Selma, na malapit na kaibigan ni Ellen Adarna.

This picture and trip say a lot of things. Looking good ang new mommy na si Ellen.

At hindi tiyak kung magkasama sila ni John Lloyd Cruz sa bakasyong magkakaibigan sa Uluwatu, Bali, Indonesia.

Ano pa man ang susunod na kabanata, marami pa ring naghihintay kay Lloydie sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Seksi-seksihan na muli si Ellen. Magmomodelo pa ba siya para sa Bench Body?

Maraming fans ang nakaka-miss kay John Lloyd, pati kay Ellen.

Pero gusto pa ba nilang bumalik sa showbiz?

Bakas sa mukha ni John Lloyd ang contentment ngayong hindi siya nape-pressure ng showbiz commitments.

Fatherhood looks good on him.

GORGY RULA: Magkasama sina John Lloyd at Ellen sa Bali, kaya baka OK pa rin silang dalawa at hindi totoo yung kumakalat na intrigang nagkakalabuan sila.

Ang isa pa kasing narinig kong kuwento, meron na raw nagparating na mensahe sa ABS-CBN na gusto nang bumalik ni John Lloyd sa Kapamilya network, pero tinanggihan daw ito. Totoo kaya iyun?

Kaya nasabi noon ni Kuya Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda na hindi siya sure kung babalik na sa showbiz ang dating Kapamilya actor.

Ang daming netizens ang nag-react sa sinabing yun ni Kuya Boy, pero baka alam ni Kuya Boy ang totoong kuwento.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results