Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kathryn Bernardo, biglang sumulpot sa birthday party ni Daniel Padilla

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Twitter / Star Magic

GORGY RULA: Ang sweet talaga ng KathNiel!

Kung sinorpresa ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa Hong Kong noong Abril 19, Biyernes Santo, bumawi si Kathryn kahapon, Abril 25, Huwebes.

Hindi alam ni Daniel na umuwi ng Pilipinas si Kathryn para dumalo sa salubong birthday party ng aktor sa Manila House Club sa BGC, Taguig.

Continue reading below ↓

Ngayong araw, April 26, talaga ang 24th birthday ni Daniel.

Kagabi, nagkaroon siya ng party kasama ang pamilya, close friends, at executives ng ABS-CBN.

Biglang dumating si Kathryn kaya mahigpit silang nagyakap at nakumpleto ang kaarawan ni Daniel.

Kung kaya siguro ni Kathryn si Daniel, baka biglang tumalon din ang aktor sabay yakap sa kasintahan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Inaalam pa ng PEP Troika kung ano ang birthday gift ni Kathryn kay Daniel at kung kailan siya babalik ng Hong Kong para tapusin na ang Hello, Love, Goodbye nila ni Alden Richards.

JERRY OLEA: Nasa socmed, partikular sa Twitter, ang 28-second video kung paano sinorpresa ni Kathryn si Daniel.

Sinundan ng kamera ang tumatakbong si Kathryn na hinahanap si DJ (nickname ni Daniel).

Nang makita ng dalaga ang nakatalikod na nobyo ay agad niya itong niyakap at masuyong binati, “Happy birthday, love!”

Mahigpit ang kanilang yakapan at ang tanging nasambit ng birthday celebrator, “Oh, my God, Kath!”

Continue reading below ↓

Dahil favorite ni DJ ang bandang Orange and Lemons, inimbitahan ang banda para mag-perform sa surprise bday party ni DJ.

Nakipag-jamming si DJ sa Orange and Lemons sa song na "Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na, Baby)."

NOEL FERRER: Happy birthday, Daniel!

Masaya ako sa KathNiel fans at nag-mature sila katulad ng idols nila, at kahit sino ang i-partner ay susuportahan nila.

Ang tanong: kung si Daniel kaya ang mai-partner sa iba—katulad ng sinasabi sa Cine Expo Conference na hiling na Daniel at Liza Soberano—tangkilikin din kaya ng fans?

Sana.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Twitter / Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results