Grand album launch ng MayWard, sold out na

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Star Magic

JERRY OLEA: Puspusan na ang rehearsal nina Maymay Entrata at Edward Barber nitong Abril 26, Biyernes ng hapon, para sa nalalapit nilang album launch.

SOLD OUT! Opo, ubos ang tickets na nagkakahalaga ng P1,500 sa MayWard grand album launch na nakatakda sa Abril 28, Linggo, 6 P.M., sa SkyDome ng SM North EDSA, Quezon City.

Continue reading below ↓

Take note na dalawang solo album ang ilulunsad dito sa ilalim ng Star Music—solo album ni Maymay, at solo album ni Edward.

Kaya maliban sa production numbers na magkasama ang MayWard, may kani-kanya silang payanig nang nag-iisa.

Kung ang ibang tandem ay nagkalabuan na, ang MayWard ay lalong tumitibay, lalong tumatatag!

GORGY RULA: Puspusan nang pinapalakas ang MayWard loveteam.

Subukan sana uli kung kaya na nilang magpelikula.

Pinapataas na rin ang level nila para aakyat na rin ang mga napatunayan nang lakas ng KathNiel, LizQuen, JaDine, pati sa JoshLia.

Ang bilis tuloy ng pag-mature ng mga datihang big stars nila.

Kaya tama ring sumubok sila ng ibang kumbinasyon gaya nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa pelikulang Between Maybes, na nakatakdang ipalabas sa Mayo 15.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results