Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Alden Richards, sinisipat bilang bagong host ng The Clash

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Mark Nicdao

GORGY RULA: Sisimulan na ng GMA-7 ang second season ng The Clash.

Magkakaroon na ng audition sa Iloilo City bukas, April 27, Sabado, kasabay ng Kapuso mall show sa Vista Mall.

Ang runner-up ng The Clash na si Jong Madaliday ang haharap sa audition.

Magbibigay-saya sa Kapuso mall show ang bida ng Love You Two na si Jennylyn Mercado at Kara Mia stars na sina Mika dela Cruz, Paul Salas, at Mike Tan.

Ang latest na nasagap ko, sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai-Ai de las Alas pa rin ang uupong judges.

Pero wala pang napagdedesisyunang host na papalit kay Regine Velasquez.

Ang gusto raw nila, yung malayo sa tipo ni Songbird, kaya pinu-push sana nila si Alden Richards.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero may ibang plano yata ang GMA 7 sa Pambansang Bae kaya wala pang napagdesisyunan kung sino ang maghu-host.

Sino sa tingin ninyo ang pupuwedeng mag-host ng The Clash?

JERRY OLEA: OK sa akin na subukan si Alden para mahasa sa hosting.

Si Dingdong Dantes, puwede kung hindi pa naman ito magsu-shoot para sa Pinoy version ng Descendants of the Sun.

E, kung si Super Tekla, para ibang-iba talaga?!

Hindi naman nila siguro ikinukunsiderang pumalit kay Regine bilang host ng The Clash si Kiray, ‘no?

NOEL FERRER: I love my own, so puwede naman nilang i-consider ang original at award-winning host ng high-rated talent show na si Ryan Agoncillo, di ba?

OK rin naman si Dingdong or si Alden.

Pero it’s really up to the Board of Jurors. And I thank you!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mark Nicdao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results