Lassy Marquez, Super Tekla banta sa trono ni Vice Ganda?

by PEP Troika
Apr 27, 2019
Lassy Marquez (R) with Two Love You stars Yen Santos (middle) and Hashtag Kid Yambao.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Tulad ng Metro Manila Film Festival 2018 entry ni Vice Ganda, perya ang setting ng launching movie ni Super Tekla na Kiko en Lala.

Kinabog na ng The Boobay and Tekla Show ang Gandang Gabi Vice maging sa National TV Ratings ng Kantar Media. Banta ba si Super Tekla sa trono ni Vice?

Ayon kay Adolf Alix Jr., na direktor ng Kiko en Lala, hindi maiiwasan na pagkumparahin ang dalawa.

“Pero may sarili naman po sigurong style ng pagpapatawa niya si Tekla which the audience will appreciate,” sabi ni Direk Adolf nang maka-chat ko nitong Abril 27, Sabado, sa Facebook Messenger.

"May space naman po I think for everyone…"

Pagdating sa aktingan, tila naghahamon ng kabugan si Lassy Marquez sa pelikulang Two Love You.

Wagas ang confrontation scene dito ni Lassy kina Yen Santos at Hashtag Kid Yambao.

Continue reading below ↓

Makawasak-puso, makadurog-atay!

Nangangatal-ngatal pa si Lassy matapos niyang sumbatan si Yen, pagtatampalin ang dibdib ni Hashtag na namaga nang bonggang-bongga!

Kakabugin ba ni Lassy si Vice sa akting na pang-award?

"Ay, hindi! Hindi naman," tila hiyang-hiya na pagtanggi ni Lassy nang makatsika ko sa set ng movie noong Abril 9 sa Sampaloc, Manila.

"Actually, first time ko kasing ginawa 'to, so, challenging. Pero iba si Vice. Phenomenal 'yon! Sobrang phenomenal! Isa ako sa mga tagahanga. Pero nagdadrama na rin siya, di ba, with Inay Marya (Maricel Soriano)."

GORGY RULA: Nakakatawa si Lassy, iba rin ang pagpapatawa ni Super Tekla. Tingin ko, hindi pa rin maaalis sa trono niya si Vice Ganda. Iba kasi ang style ni Lassy na hindi niya kinopya kay Vice Ganda.

Ikinuwento niya noon na sobrang suportado ni Vice ang kanyang acting career kaya hindi niya iniisip na palitan ito. Ganoon din si Super Tekla. Hindi raw niya naisip na talbugan si Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Although, proud siyang kaya pala nilang talunin sa ratings ang Gandang Gabi Vice, pero patuloy pa ring namamayagpag sa komedya si Vice Ganda at walang nangangahas na i-dethrone siya.

NOEL FERRER: Nang una kong malaman ang tungkol sa Kiko en Lala project na hudyat sa pagbabalik ng GMA Films, ang tanging nasabi ko, BAKIT? Mga kaibigan ko ang nandun kaya siguro may nakikita silang hindi ko nakikita. Kaya wala na lang basagan ng trip, di ba? Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Lassy Marquez (R) with Two Love You stars Yen Santos (middle) and Hashtag Kid Yambao.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results