Malanding aktor, may checklist ng showbiz conquests?

by PEP Troika
Apr 28, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER: Malandi talaga itong aktor na feeling toast of the macho beki-town.

After ma-link sa model-actor pati sa isang sikat na matinee idol na may pinagdaanang issue, parang ang tingin niya sa macho-gays sa industry ay mga conquest.

Parang may checklist siya kung sinu-sino ang aanyayahan para maka-dinner, tulad na lang ng mga inimbitahang makasama sa isang piging ang isang kauri, pati na ang mga diumano’y may hitsurang talents sa set.

Continue reading below ↓

Meron pa ba kayong balitang na-link sa aktor na ito?

JERRY OLEA: Maluwalhati ang pagtatagpo ng papalicious actor at bruskong aktor.

Malinamnam ang pagsasalo nila sa ulam na binudburan ng pamintang durog.

Lubos man ang kanilang paglulunoy, ang bunga niyon ay hahayaan kong dumaloy.

Kahit umigting at tumaginting ang haharapin nilang unos at ulos, mananaig sa kanilang diwa ang mga alaalang humahaplos.

Wala mang pag-ibig na tutubos.

GORGY RULA: Ang tsismis ngang narinig ko, nagkatikiman na ang dalawa.

Nagulat daw si papalicious actor sa galing nitong si bruskong aktor.

Pero hanggang tikiman lang yata at hindi na siguro masusundan iyun.

Siyempre, nag-iingat silang dalawa dahil nakatutok sa kanila ang mga kati-katirang sumusubaybay sa kanilang kabadingan.

Kaya baka sa iba na naman titikim si bruskong aktor para mapuno na ang nasa checklist!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results