Vic Sotto, "naisahan" ng misis niyang si Pauleen Luna

by PEP Troika
Apr 28, 2019
PHOTO/S: Danica Sotto Instagram

GORGY RULA: Successful ang inorganisang surprise birthday party ni Pauleen Luna para sa mister niyang si Vic Sotto, na nagdiriwang ng 65th birthday nitong Abril 28, Linggo.

Naka-text namin si Pauleen kaninang tanghali, April 28, at napagod daw siya sa pag-asikaso sa birthday salubong para sa asawa niya kagabi, April 27.

Formal ang party kung saan pinalabas na kunwari may event ang Davies paint na ini-endorse ni Bossing Vic.

Nagpatulong si Pauleen sa kapatid ni Bossing Vic na si Maru Sotto para papuntahin ito sa pinapalabas na event.

Humiram pa sila sa kumpanyang yun ng standee ni Vic para kapani-paniwala ang dramang ipinalabas nila.

Kumpleto ang mga anak ng Eat Bulaga! host at nagbigay pa sina Danica at Paulina ng awitin para sa kanilang ama.

Nagpasalamat pa si Danica kay Pauleen sa pagmamahal sa kanilang ama at success daw ang surprise party.

Sabi raw ni Bossing Vic, talagang naisahan siya ni Pauleen dahil wala siyang alam na birthday party niya ang madadatnan.

Continue reading below ↓

Si Pauleen ang isa sa pinakamasaya sa pagdiriwang ng kanyang asawa.

Ang birthday wish daw niya, “My wish for Vic is that he’ll continue to live a happy and peaceful life.

“I pray for the best of health and that all the desires of his heart come true.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

JERRY OLEA: Pakiwari ko, lubos ang kaligayahan ni Bossing Vic basta nasa maayos na kalagayan ang lahat ng kanyang mga anak.

Kaya wish ko para kay Vic, magtagumpay ang anak nila ni Coney Reyes na si Vico sa pinasok nitong laban.

Cheers!

NOEL FERRER: Pareho tayo ng wish, Tito Jerry!

Alam ko kung gaano kasugid ang suporta nina Vic and Coney sa anak nila sa matinding laban nito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Danica Sotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results