Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Maymay Entrata at Bianca Umali, parehong wagi sa FAMAS

by PEP Troika
Apr 29, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

JERRY OLEA: Sold out ang paglulunsad nina Maymay Entrata at Edward Barber ng kani-kanyang album nila, nitong Abril 28, Linggo, sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Pagkatapos nito ay um-attend si Maymay sa 67th FAMAS Gabi ng Parangal sa Meralco Theater, Pasig City.

Sina Maymay at Bianca Umali ang pinagkalooban ng German Moreno Youth Award.

Continue reading below ↓

“Thank you po, FAMAS, sa award na ito. At iniaalay ko po ito siyempre sa mga kabataan na talagang nagbigay po sa akin ng rason para pagbutihin ko po iyong mga ginagawa ko at maging magandang ehemplo po sa inyong lahat,” dire-diretsong pahayag ni Maymay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Siyempre, ibinabalik ko rin lahat ng glory sa Panginoon at sa lahat ng tumutulong sa akin para makamit ko ‘yung pangarap ko.

“Siguro, tips lang para maging positibo at para makamit ninyo ang pangarap ninyo, siguro, magtiwala ka lang sa sarili mo.

“Mahalin mo iyong pamilya mo, at huwag kang mawalan ng pag-asa sa Panginoon, at huwag mong hahayaan iyong mga negatibo sa buhay mo na siyang sisira at pipigil sa kung anong plano mo na gusto mong makamit sa buhay mo.

“At lagi mong isu-surround yung self mo sa mga positibong tao.

“Alam ko, kung kaya ko, kaya niyo rin. At ito po’y para sa inyo. Thank you po,” sabay yuko ni Maymay na pinalakpakan ng audience.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Maymay is one of the most popular stars of her generation.

Her confidence got a major boost from the adulation of her and Edward Barbers' (MayWard) fans.

Sana, she goes back to her authenticity and simplicity so that she can sustain her energy in the industry. And I thank you!

JERRY OLEA: Nagpakilala pa ang Kapuso young actress na si Bianca Umali sa acceptance speech bago nagturan na, “Isang karangalan po ang makatanggap ng parangal at mapansin po ninyong lahat."

Pagkatapos ay isa-isa siyang nagpasalamat sa mga taong tumulong pagtibayin ang kanyang karera.

“Ang mga ganitong bagay po ang nagsisilbing inspirasyon para sa mga katulad ko pong nangangarap, na patuloy pa pong paghusayin sa ating industriya.

“Gusto ko pong magpasalamat, of course, kay God. Gusto ko pong magpasalamat sa kapamilya ko, at sa lola ko, kay Mama.

“Gusto ko pong magpasalamat sa aking network, GMA-7. Salamat po sa lahat ng taong nagmamahal at sumusuporta.

Continue reading below ↓

“Muli po, maraming-maraming salamat po, FAMAS. Mabuhay po ang FAMAS! Mabuhay po ang artistry nating mga Pilipino!”

Yumuko rin si Bianca habang pinapalakpakan ng audience.

Hindi niya na-mention ang ka-loveteam sa Sahaya na si Miguel Tanfelix, maging ang matagal nang nali-link sa kanya na si Ruru Madrid.

GORGY RULA: Si Maymay Entrata ang recipient ng naturang special award mula sa Kapamilya network, at si Bianca Umali naman sa Kapuso.

Bida si Bianca sa Kapuso prime-time series na Sahaya; habang wala pang teleserye si Maymay.

Support si Maymay sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.

Ang solo project niya sa ngayon ay #M806, ang bagong record album na kanyang ini-launch nitong Abril.

Mas malakas daw ang support ng fans ni Maymay lalo na sa social media, kaya dapat humabol din ang fans ni Bianca.

Maganda pa naman ang Sahaya ni Bianca na nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga kabataan. Sino kaya sa kanila ang achieve na achieve sa mga kabataan?

Continue reading below ↓

Iyan ang batayan para mapili kang recipient ng German Moreno Youth Achievement Award, hindi iyong basta sikat lang.

Sana, mas marami pa silang ma-achieve sa kanilang career para mapanindigan ang naturang award.

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results