Maricel Soriano, inalala kung paano siya nadiskubre ni Dolphy

by PEP Troika
Apr 29, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

JERRY OLEA: After Vice Ganda, kay Maricel Soriano ipinagkaloob ang King of Comedy Dolphy Memorial Award sa 67th FAMAS Gabi ng Parangal.

“Minsan, may isang batang ekstra na ipinahanap ni Daddy Dolphy,” lahad ni Maricel nitong Abril 28, Linggo sa Meralco Theater, Ortigas Avenue, Pasig City.

“Ang deskripsyon po niya, yung batang malaki ang mata at halang ang tenga.

“Ilang bata ang ihinarap sa kanya, pero hindi raw iyon ang tinutukoy niya.

“Ayun, awa ng Diyos, nahanap nila ang batang malaki ang mata at halang ang tenga.

“Kinuha siya ng Daddy Dolphy para gumanap na anak niya, na si Shirley, para sa John en Marsha.

“Siyempre, as you all know, ako ho ang gumanap na Shirley. The rest, as they say, is history.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Ani Maricel, maging sa totoong buhay ay itinuring niyang tatay si Dolphy.

Dagdag ng Diamond Star, “Masuwerte akong nabigyan ng pagkakataong ito.

"Hindi ko ma-imagine na makakatanggap ako ng award sa ngalan niya, sa totoo lang po, bilang pagkilala sa aking kagalingan ng kontribusyon ng nag-iisang Dolphy sa ating industriya.

“Siguro, kung buhay po ang daddy ko ngayon, malamang grabe ang tawa niya dahil pag nakikita niyang ninenerbyos ako, kahit wala siya sa piling natin, puro magandang alaala ho ang naiwan niya sa lahat ng nagmamahal sa kanya, at sa buong sambayanang Pilipinas na pinasaya niya halos ilan pong dekada.”

Sabi pa ni Maricel, marami siyang pinagdaanan bilang artista. Maraming role ang kanyang ginampanan.

“Andiyan ang drama, horror, may fantasy, pero ang pinakapasalamatan ko ay yung pagkakataong mapasaya ang mga manonood ng comedy,” salaysay ni Maricel.

“Iyong dahil sa panandaliang oras, nalimutan nila ang kung anu-anong pinagdadaanan sa kanilang buhay.

Continue reading below ↓

“At tumawa na lang...

“Karangalan kong mapatawa kayo kahit sandali.”

NOEL FERRER: At sana’y ipagpatuloy ni Maricel Soriano ang legacy ng pagpapatawa dahil ngayo’y nalilinya siya sa drama sa TV (with The General’s Daughter) at horror sa pelikula (with Janella Salvador).

Nakaka-miss si Marya sa comedy.

O, Tito Gorgy, after ng controversial na pagsagot sa iyo ni Vice sa opinyon mo sa Dolphy Memorial Award last year, ano ang masasabi mo na kay Marya ito ibinigay, at ipinagkait pa rin kina Joey de Leon at Bossing Vic Sotto?

GORGY RULA: Tanggapin na natin ang choice ng Quizon family para sa special award na ito.

Iginawad nila ngayon ang King of Comedy Dolphy Memorial Award sa dramatic actress na si Maricel Soriano, okay lang yun dahil malaki talaga ang bahagi ni Mang Dolphy sa buhay at showbiz career ni Maricel.

Kung sa susunod na taon, sa isang Kapamilya artist pa rin nila ibibigay ang naturang award, parang maniniwala na akong para lang talaga sa mga artista ng ABS-CBN nila ito igagawad.

Continue reading below ↓

Sa ABS-CBN kasi mapapanood ang FAMAS. Sa Mayo 5 ito mapapanood sa Sunday’s Best.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results