Gay comedian, nakatikim ng galit ng direktor dahil sa Facebook comment

by PEP Troika
Apr 30, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA: Natameme bigla si Bading na komedyante nang pinersonal ni Direk ang komento niya sa Facebook tungkol sa isang show ni direk.

Hindi nataypan ni Direk ang comment ni komedyante kaya sinita niya ito.

Nahalata ni Komedyante na nairita si Direk kaya nag-sorry siya.

Pero hindi pa tapos doon si Direk, talak siya nang talak sa production staff niya na never daw niyang kukunin si Komedyante sa shows na idinidirek niya.

Continue reading below ↓

Minsan sa taping ng isang show na hindi siya ang direktor, napadaan si Direk. Narinig kasi niyang guest doon si Komedyanteng kinaiiritahan niya.

Pumasok siya ng studio at nagkukuda roon si Direk na ang cheap daw at walang kuwenta raw ang kinuhang guest.

Narinig mismo ni Komedyante ang mga sinasabi ni Direk. Hindi na lang ito kumibo. Hinayaan na lang niya mga kuda ni Direk.

Next time, tatahimik na lang daw siya, at maging maingat sa mga ipinu-post na comments sa ibang programang napapanood niya.

JERRY OLEA: Mahirap magpakatotoo, lalo pa’t isinasaalang-alang mo ang iyong kabuhayan.

Minsan, ang pagsusuri ay pinepersonal.

Diyan nagkakaalaman kung sino ang mas makapangyarihan, kung sino ang yuyuko at mananahimik lamang.

Sa huling pagtutuos ay mananaig pa rin ang totoo.

Ang kulang sa timbang, kailan man ay hindi magiging sapat. Axiomatic iyan.

NOEL FERRER: Naku, nag-sorry na kaya si Ateng Komedyante kay Directed By? Ay!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results