Dawn Zulueta, ayaw munang mag-teleserye dahil sa rasong ito

by PEP Troika
Apr 30, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Panay tanggi pala si Dawn Zulueta sa offers na mag-teleserye.

Mas gusto muna niyang tumutok sa dalawang anak nila ni Anton Lagdameo dahil lumalaki na ang mga ito.

Kapag sa soap kasi, uubusin daw ang oras niya sa taping at mawawalan siya ng oras para sa pamilya.

Continue reading below ↓

Hindi naman daw sa ayaw niyang mag-soap, pero kung walang magandang material, mabuting huwag na lang siyang mag-teleserye.

Pahayag ni Dawn, “Depende na lang siguro sa offer. If there’s really a nice offer.

"So far kasi, the offers that have come, hindi ako masyado na-excite.

“And then, kung ganoon lang iyong schedule ay huwag na lang.

“Hindi ka na natutulog, e. Parang wala ka nang buhay.

“Hindi ka na puwedeng magkasakit. Hindi ka puwedeng magbakasyon. Wala kang buhay, ganoon!

“Nakaka-stress kung ganyang klaseng trabaho na hindi mo alam kung hanggang kailan kang ganoon.”

Nakatsikahan namin si Dawn nitong Abril 30, Martes, sa set ng pelikulang Family History, na isinulat at idinirek ni Michael V, aka Bitoy.

Dagdag na paliwanag ni Dawn: “Nagdesisyon na ako about this two or three years ago because my son, he’e gonna be 14, ano?

“Nakikita ko nang magbibinata na ang anak ko. I just felt na I have to stay with him more.

Continue reading below ↓

“Hindi ako puwedeng magkaroon ng schedule na parati akong wala sa bahay.

“Kapag ganyang nagti-teenager na, I need to be there, more available. It’s quantity time, hindi lang quality.”

Kaya okey na muna sa kanya ang mag-movie, lalo na itong Family History na gustung-gusto niya ang material.

First time nilang magsama ni Bitoy at nagulat siyang parang hindi first-timer ang komedyante sa pagdidirek.

Itong Family History ay co-production ng Mic Test Entertainment, Inc., na pag-aari ng mag-asawang Michael V at Carol Bunagan, sa GMA Pictures.

Continue reading below ↓
JERRY OLEA: Maganda, magaling umarte, marunong makisama—welcome palagi sa showbiz ang tulad ni Dawn. Isang tunay na artista!
Nakakatuwang alam niya ang kanyang priorities, at nagsasakripisyo siya alang-alang sa mga mas importante sa kanya.
Isang huwaran!
NOEL FERRER: Tama, it all boils down to priorities.
Marahil, nasasabi rin iyan ni Dawn dahil she lives comfortably, compared to the others na kailangan talagang kumayod sa teleserye.
Major blessing ang tingin ng maraming artista sa teleserye tapings dahil assured work iyan!
Good for Dawn na may iba pa siyang options. Paano naman iyong iba?
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results