Carla Abellana, type kayang maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun?

by PEP Troika
May 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Bet ko si Carla Abellana na maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy version ng koreanobelang Descendants of the Sun.

“Wow!” napangiting bulalas ni Carla nang makausap ko sa premiere night ng horror movie na Maledicto nitong Abril 29, Lunes, sa Santolan Town Plaza.

“Hindi ko napanood ang Descendants of the Sun, but I know, grabe po ang following niyan.

“Sana, we’ll see po. Depende po sa management kung anong plans nila. Wala pa silang name-mention.”

Continue reading below ↓

Nag-work na ba sila ni Dingdong together?

“Pag ano lang po, pag may isang soap na eere, may times na nagge-guest po ako,” sambit ng Kapuso actress.

“Guest character ako. Pare ‘Koy was one, mga ganun.

“Pero full na soap, never pa po.”

Wish ba niyang makatrabaho si Dingdong?

“Why not? Lagi ko naman pong sinasabi ‘yan, e.

"Kasi, pag nakakatrabaho ko po siya, laging guest role lang," mabining tugon ni Carla.

NOEL FERRER: Magaling na artista si Carla at mukhang kailangan niyang bumawi after Pamilya Roces.

Sana nga, magkatrabaho na sila ni Dingdong magkatambal sa teleserye.

Pero bakit ang lakas ng balita na si Jennylyn Mercado raw ang napipisil na partner ni Dong dito?

Kauumpisa pa lang ng Love You Two ni Jennylyn with Gabby Concepcion, ah?!

How true, mga Kapuso?

JERRY OLEA: Noong Disyembre pa nagtapos ang huling TV series ni Carla sa GMA, ang Pamilya Roces.

Nag-renew siya kapagkuwan ng kontrata sa GMA-7 para sa 45 months.

Continue reading below ↓

After four months, wala pang naibibigay sa kanya na bagong TV show.

Naiinip ba siya? “No! No! Not at all. OK lang,” mabilis na sagot ni Carla.

“Walang problema. Kasi, at least, nakakapag-spend ako ng time with my family, lalo na with my mom, saka iyong aking sister na manganganak na.

“So, mas ano ako... mas family time ako nitong past few months.”

Nai-insecure ba siya sa bagong Kapuso stars na nagbibida sa TV series, gaya ni Bianca Umali sa Sahaya, at Kyline Alcantara sa Inagaw Na Bituin?

“No! No! Hindi po. Kanya-kanya lang kami ng ano, ng time. Kanya-kanya lang ho kami ng project, ng role na babagayan.

“So, OK lang. Parang... sige, go! Enjoy-in niyo iyan, kayo muna, di ba?

"Of course, ano naman, e, lalo na dahil kare-renew ko lang ng contract with GMA.

“Hindi iyan mawawala. Hindi mababakante, for sure.”

GORGY RULA: Nang lumabas ang balitang gagawin ni Dingdong ang Descendants of the Sun, ang dami talagang nag-react at nagbigay ng suggestion nila kung sino ang nababagay na leading lady ng GMA Primetime King.

Continue reading below ↓

Karamihan sa gusto nila ay si Marian Rivera, na bagay naman kasi.

Pero sabi ni Dingdong, malabo iyon dahil naka-focus si Marian sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak.

Bukod kay Carla, meron ding mga nag-suggest na bagay rin si Heart Evangelista.

Sana, puwede na siya at maisantabi na ang mga isyu at intriga.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results