OPM singers, nagsama-sama para sa 'Taumbayan'; ibang singers, nag-seen zone lang

by PEP Troika
May 1, 2019
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: Ibang klaseng saya ang naramdaman namin nang pagsama-samahin in two days ang singer-performers na nagbahagi ng kanilang talent sa pagkanta ng isang komposisyon nina Louie Ocampo at Joey Ayala, ang "Sana Naman, Taumbayan."

Isa itong panawagan para sa malinis na halalan.

View this post on Instagram

SANA NAMAN TAUMBAYAN

A post shared by louie ocampo (@louieocampo) on

Sabi ni Louie Ocampo, “Akala ko talaga, hindi na ito matutuloy.

“I understand naman—people are busy and nataon pa that I'm really scheduled to be with my daughter in Australia.

“So, I thought it'll just stay as a demo song with my voice and a kid’s voice na bahala na.

"I feel, sa tamang panahon, I hope more people will hear this song.

“I have always believed that our kapatid Noel Ferrer would make things happen no matter what.

"Kaya naman, together with Moy Ortiz of The Company, this TAUMBAYAN version came to life... in time for a crucial election."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Louie, “In a country that is so divided because of politics, I am very grateful to the people who contributed their time and effort and bravery in making a stand for clean and honest, orderly and peaceful elections that transcend our individual beliefs."

View this post on Instagram

#SanaNamanTaumbayan #ArtistsForCleanElections

A post shared by louie ocampo (@louieocampo) on

As I would always say, we think of the big picture... look beyond our personal interests — and focus on the collective.

At sabi nga ng kanta, "Sana naman ang panalo ay TAUMBAYAN.

Muli, maraming-maraming salamat po sa mga naging bahagi ng effort na ito: si Moy Ortiz ang aking co-producer; si Paulo Zarate at ang kanyang Studio Team with Benj at ang Video team ng grupo ni Rico Hizon with Anj and Krizzia.

Salamat kina Maestro Ryan Cayabyab, Jed Madela, Mass Appeal Choir, Agot Isidro, Robert Seña & Isay Alvarez Seña, Reuben Laurente, The CompanY, Bayang Barrios, Mitch Valdes, Jamie Rivera, Maysh Baay Of Moonstar88, Myke Salomon, at Jay Durias.

Continue reading below ↓

Maraming inimbita, pero sabi nga ni Moy Ortiz, yung iba ay nag-seen zone lang.

Pero yung mga tumuloy, wholeheartedly ay parang appointed at destined makasama sa legacy project na ito.

“At sana, kahit na sinong manalo pagkatapos ng bilangan, sana naman ang panalo ay... taumbayan.”

Continue reading below ↓

Iyan ang sabi ng kanta, at iyan din sana ang magaganap na katotohanan.

JERRY OLEA: Nanghinayang si Martin Nievera.

Gusto sana niyang makibahagi, kaso late na siyang nakauwi mula sa Amerika.

Nakakatuwa na may mga magkasalungat ng paniniwala sa pulitika na lumahok sa proyektong ito.

Sina Isay at Robert ay maka-Digong, samantalang si Agot at The Company ay pang-Ocho Derecho.

Hayaan na natin iyong mga “seen zone” lang.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Nakakapanghinayang lang dahil parang hindi sapat na maiparating sa sambayanan ang awiting ito sa loob ng 13 araw lamang.

Sana, noon pa ito ginawa, kasabay ng pangangampanya ng mga kandidato.

Ang dami na kasing nangyari, di ba? May mga buhay na nasayang, ilang pamilya nagkahati-hati dahil sa sariling interes, hanggang sa hindi pagkakasundo ng buong bayan.

Sa maliit na paraan, may magagawa sana ang awiting ito na maipadama sa lahat na walang ibang makakatulong sa ating bayan kundi tayo lang.

Sabi nga, sana ang taumbayan ang panalo rito.

Pero kung ano man ang kahihinatnan pagkatapos ng eleksyon, siguro para talaga sa atin yun dahil hindi pa rin natututo ang karamihan sa atin.

Ako? Naniniwala pa rin ako sa bisa ng dasal.

Doon na rin ako kakapit para sa malinis, tapat, maayos at mapayapang halalan. Harinawa.

NOEL FERRER: Labor Day ang napipintong pagpapakalat ng kantang ito.

Puwede itong i-share, gamitin sa radio, TV o kahit anong medium nang walang charges sa copyright o babayaran!

Continue reading below ↓

Let this song inspire us all!

Truly a labor of love—para sa bayan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results