Binondo musical ni Joel Lamangan, magkakaroon ng rerun

by PEP Troika
May 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Pagbibidahan nina Shiela Valderrama-Martinez at Arman Ferrer ang pagtatanghal muli ng Binondo, A Tsinoy Musical sa Hulyo sa The Theatre at Solaire.

Si Shiela ang gaganap bilang Lily, ang hopeless romantic na Pinay.

Si Arman naman ang Mainland Chinese scholar na si Ah Tiong.

Ayon sa direktor na si Joel Lamangan, humigit-kumulang sa 30 minuto ang binawas niya sa running time ng musical.

May pagbabago rin sa opening number.

Continue reading below ↓

Direk Joel Lamangan, Shiela Valderrama-Martinez, and Arman Ferrer

Inaasahan ni Direk Joel na tatangkilikin pa rin ito ng mga Tsinoy.

“Marami pong Chinese na nanonood,” sabi ni Direk Joel habang kumukuya-kuyakoy sa mediacon nitong Abril 30, Martes, sa Theatre Cafe ng Solaire.

“Example, si Mother Lily [Monteverde]. Chinese po siya. Nagustuhan niya po.

“In-invite po niya lahat ng kanyang anak at kanyang asawa para manood ulit. Tatlong beses siyang nanood.

“Si Jose Mari Chan, nanood po. Mga kaibigan ko pong Chinese, nanood po silang lahat. Lahat naman po sila, nagkagusto.

“Bumabalik-balik po sila. Ibig sabihin, nakakapag-communicate iyong play sa kahit totoong Chinese, sa hindi masyadong totoong Chinese, nagcha-Chinese-Chinese-an.

“Nakaka-communicate naman po sila. Sapagka’t universal naman po iyong sinasabi ng play.

“Pagmamahal na totoo at tama, iyon naman ang ipinapakita. At ipinapakita ang pagiging Pilipino sa dekadang sinasabi.

“Ano ba ang problema ng isang Filipino-Chinese? Siya ba ay Filipino o Chinese?

Continue reading below ↓

"Iyon ang conflict, na nasa kanta, ‘Ako ay Pilipino, kahit may dugo akong Chinese.’

“Narinig niyo, di ba?”

NOEL FERRER: At nang tanungin ko sa plenary si Direk Joel kung ano ang ipinagkaiba ng pakitungo at ugnayan natin sa mga Chinese noon at Chinese ngayon, medyo umiwas siya.

Ang pa-cute na sabi niya, “Hindi ako na-in love sa Chinese. Pinoy ang mahal ko.”

Pero nang personal ko siyang makausap pagkatapos ng presscon, ang sabi niya, “Hindi ko iboboto yung mga kandidatong ipinagbibili tayo sa China.

“Dito na lang ako sa kuwento ng pagmamahal noong panahon namin ng aktibismo—sa Binondo, A Tsinoy Musical, July 12-14 sa The Theater Solaire.”

Para sa tickets, tumawag sa Ticketworld, telephone number (02) 891-9999.

GORGY RULA: Sandaling nakatsikahan ko ang producer na si Rebecca Chuaunsu sa presscon noon ng Dragon Lady.

Binanggit na niya na magkakaroon ng repeat ang Binondo: A Tsinoy Musical.

Tinanong ko pa siya kung nabalik ba ang puhunan niya.

Continue reading below ↓

“OK naman,” medyo alanganin niyang sagot.

Ang mahalaga ay nabuo nila itong musical play para sa mga Tsinoy at lalo na sa mga purong Chinese.

Noong ginagawa kasi ni Mother Lily ang Mano Po, talagang dream niyang makabuo ng ganoong tipong proyekto, at natupad sa musical play na ito.

Todo ang suporta ng Filipino-Chinese community, kaya inaasahan na talaga ang repeat.

Sana, ginawang series na rin ito ni Direk Joel Lamangan na inspired na inspired din sa proyektong ito.

Ang producer ng rerun ng Binondo ay ang Maritess Alava-Yong Foundation.

Ang rerun ay para sa benefit ng “cancer support and research charity for people living with cancer and potential prevention.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results