Lolit Solis, nakatanggap na ng birthday gift mula kay Kris Aquino

by PEP Troika
May 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

JERRY OLEA: Sa Mayo 20 pa ang 72nd bday ni Manay Lolit Solis, at nag-buena mano na sa kanya ng regalo si Kris Aquino nitong Abril 30, Martes.

Love love love ni Manay Lolit ang pabaon ni Kris para sa four-day trip niya sa huling linggo ng Mayo sa Seoul, South Korea.

Continue reading below ↓

Blowout ito ni Aileen Go ng Megasoft, at makaka-bonding niya roon si Sandara Park.

“Kasi, si Aileen Go pala ang nag-aalaga kay Sandara pag nandito, saka kasama namin si Budingding na road manager noon ni Sandara sa Star Magic,” text sa akin ni Manay Lolit nitong Mayo 1, Miyerkules, Araw ng Paggawa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kaya sure na ako, hindi poster hunting lang ito. Kahit paano, may makikita na ako na Korean actor nang malapitan!”

Sinu-sino ba ang inaasam niyang masilayan nang up close and personal?

“My forever love Jo In Sung, iyong current crush ko na si Nam Joo Hyuk, at si Jinyoung.”

View this post on Instagram

Hindi ko akalain sobra palang dami ng fans ni Ji Chang-Wook Salve ha. Imagine si Amy Austria nag-aapply maging personal assistant ni Mama Jinkee Pacquiao para sa gagawin concert ni JCW at matagal na pala niya itong favorite. Hay naku, buti na lang hindi si Jo Insung ang dumating dito kundi masobrahan ako excitement at baka one week before nasa place na ako kung saan siya mag-meet and greet. Bongga din na excited sobra mga fans ni Ji Chang-Wook at abang nang abang sa development ng negotiation nila Mama Jinkee at agency ng Korean actor na gusto niya isang malaking concert ang gawin sa Manila. Hay naku ha, hindi na talaga mapigilan ang Korean fever, masyado ng high kaya buti na lang lapit lang Korea kaya madali puntahan. At gaya nga ng Korean blowout sa amin ni Ms. Aileen Go ng Megasoft at promise ni Budingding na si Sandara Park ang aming tourist guide habang nasa Korea hanapin ko na naman si Jo Insung, hitsurang libutin ko na naman mga lugar na sinasabi na nandun siya, pero ending poster lang nakikita ko. Heh heh basta enjoy si Rose kay Lee Sung-Gi ok lang. #classiclolita #takeitperminute #72naakosamay ??

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

NOEL FERRER: Gusto ko rin ang sistema ni Nanay Lolit na ina-assign na niya ang gifts na gusto niya from people.

Kaya every occasion, may nakatoka na sa akin at sa iba pang malapit kay Nanay Lolit.

Mas praktikal yun dahil gusto niya talaga yung ire-request niya from you.

Continue reading below ↓

Ang tanong: ano kaya ang gift ni Gretchen Barretto kay Nanay Lolit?

JERRY OLEA: Mas type ni Manay Lolit na GC ng SnR o Puregold ang iregalo sa kanya ni Kris.

Comment ni Kris sa Instagram account ni Manay Lolit, “I didn’t want to give you SnR GCs because you might think nag-recycle ako ng bigay ni Susan Co for me...”

View this post on Instagram

Naku Salve ha, first day pa lang ng May bukas pero pinadala na ni Kris Aquino ang birthday gift niya sa akin ngayon, buena mano siya ha. Love ko naman iyon pabaon niya na gagastahin ko sa Korea trip natin pero mas type ko pag GC ng S&R o Puregold ang binibigay niya. Ito ang isang trait ni Kris na na-miss ko nang may lovers quarrel kaming dalawa, iyon generosity niya at thoughtfulness. Pero tanggap ko rin naman ang pagiging sumpungin niya, iyon bigla wah ka niya type kaya waley ka sa lists of friends niya na give niya ng love at loot bag hah hah. But I really appreciate it Tetay na now included na naman ako sa circle of friends mo and I really enjoy it, your sharing of your so many blessings. Thank you at dapat lucky buena mano ka para hindi lang 72 gifts matanggap ko, more hah hah love you Tetay. #classiclolita #takeitperminute #72naako @krisaquino

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Mahilig pa bang mag-recycle ng gift si Manay Lolit?

Classic iyong istorya ng ni-recycle ni Manay Lolit na Christmas gift at iniregalo sa nagregalo sa kanya in the first place.

Nakakakrungkrung din ang anekdota tungkol sa T-shirts na birthday gift ni Manay Lolit sa isang kilalang pulitiko.

GORGY RULA: Kapag may assignment ka mula kay Nay Lolit na gusto niyang regalo, ibig sabihin ay close siya sa iyo.

Pagkain lang naman at gift certificates ang type niyang regalo.

Ang naloka ako, sa gift list niya ngayon.

May hinihingi siyang iPad mula kina Pauleen Luna, Congressman Alfred Vargas, Paolo Contis, at Robert Ortega.

Continue reading below ↓

Tinanong ko siya, bakit ganoon karaming tablets ang hinihingi niya.

Yun pala, doon niya dina-download lahat na mga Koreanobela.

Pag napuno na ng mga dina-download niya, kuha siya ng isa pang iPad para doon naman niya ilalagay ang mga bagong Koreanobela.

Kaya tambak na ngayon ang mga iPad niya dahil wala siyang pinapakawalang Koreanobela na sinusubaybayan niya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results