Hiram Na Anak ni Yasmien Kurdi, magpapaalam na sa ere

by PEP Troika
May 1, 2019
PHOTO/S: @leanne_bautista / @yasmien_kurdi on Instagram

JERRY OLEA: Magtatapos na pala sa Mayo 3, Biyernes, ang Kapuso drama series na Hiram Na Anak.

Noong Pebrero 25 lamang nagsimula ang morning series na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, Leanne Bautista, at Lauren Young.

Bale 10 weeks ito sa ere.

Isa ako sa mga nagulat nang ilagay sa morning slot ang teledrama ni Yasmien, katapat ang Playhouse nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, and later ang Nang Ngumiti Ang Langit.

Continue reading below ↓

Namayagpag kasi si Yasmien sa afternoon slot, sa mga programang Hindi Ko Kayang Iwan Ka at Sa Piling ni Nanay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hopefully, ibalik si Yasmien sa afternoon slot sa susunod niyang drama series.

NOEL FERRER: Ayun na, kapag consistently na wagi o talo sa ratings, doon bibigyan ng kaukulang aksyon.

Sana, OK lang kay Yasmien na nag-10 weeks lang ang kanilang morning teleserye.

May iba pa naman iyang pagkakaabalahan.

Paano na si Dion Ignacio and his kid? Tengga muna at pa-gig-gig na muna.

Iyan ang labanan ng soap ngayon, kapag hindi umalagwa, tigbak na agad. Papalitan na ng bago.

Lahat, instant following. Wala na yung slow burn. Dapat, maganda na agad ang rating.

Good luck sa papalit!

GORGY RULA: Usually naman, sa daytime drama, 8 weeks lang ang sinasabi sa kanila.

Kapag maganda ang resulta sa rating, mai-extend nang mai-extend.

Kung waley, napapagbigyan pa minsan ng isa o dalawang linggo.

Masaya na rin si Yasmien dahil maganda ang feedback sa akting niya sa drama series na ito.

Continue reading below ↓

Pinag-iisipan pa ni Yasmien kung itutuloy niya ang pag-aaral sa Counsellor on Diplomatic Service dahil isa iyan sa options niya pagkatapos mag-graduate sa kursong Political Science.

Depende pa rin iyan kung may isusunod agad na project ang GMA-7 sa kanya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @leanne_bautista / @yasmien_kurdi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results