Jasmine Curtis Smith, umaasang panoorin ng mga tao ang Maledicto

by PEP Troika
May 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Natuwa si Jasmine Curtis-Smith nang mapanood ang pelikula niyang Maledicto sa premiere screening noong Abril 29, Lunes ng gabi, sa Santolan Town Plaza, San Juan City.

“I feel good. I feel very good about it!” nakangiting bulalas ng Kapuso young actress.

“I hope that people will watch it as well... and I hope people can see the hard work, the effort na ibinigay ng lahat ng aspeto ng pelikula namin.”

Continue reading below ↓

Pakiwari ko ay mas interesting ang karakter dito ni Jasmine bilang madreng nakakakita ng demons, kumpara sa karakter ni Tom Rodriguez bilang paring exorcist na mapagduda.

“Ahhh, OK... depende na rin kung ano yung interest mo as an individual,” pakli ni Jasmine.

“Minsan kasi, may gustong makakita. Minsan, may gustong inaaral yung mismong kung ano man yung problema, di ba?

“So, depende rin. Some people will find Tom’s character more interesting.”

Naniniwala ba siya sa demons o yung mga ganoong nilalang?

“I feel, like, you know, it’s impossible naman na ilagay tayo sa mundong ito na walang ganoon, dahil paano naman din tayo nakarating dito?” sambit ni Jasmine.

“Paano tayo na-create, you know, from the beginning of time?

"But ayoko rin namang bigyan masyado ng panahon din yung mga ganoong bagay.

“E, kasi, ang daming dapat na... i-invite natin iyong good energy, good spirits, para iyon yung mga pumapasok sa buhay natin.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nakita ko ang isang promo photo ni Jasmine na taimtim na nagdarasal.

Mukhang iyan ang kailangan ng pelikula dahil base sa early returns ng Maledicto ngayong Labor Day, May 1, waley significant number na mare-report daw.

Sana yung mga nagandahan na nakapanoood na, umepekto ang good word of mouth.

Pero nagkakaisa ang mga nakapanood na kayhusay ni Jasmine sa kanyang pagganap. As always!

GORGY RULA: Kuwento ni Glaiza de Castro na kasama niya sa pelikulang Midnight, nadadala siya sa galing ni Jasmine.

Kaya dapat talagang mabigyan ang aktres ng mas maganda pang projects.

Sabi naman ni Jasmine, marami pa siyang gustong patunayan sa kanyang showbiz career bago siya tumuloy sa ibang bahagi ng buhay niya gaya ng pagpapakasal.

Kaya naman hindi pa raw nila ito pinag-uusapan ito ng nobyong si Jeff Ortega.

Alam ng nobyo niyang naka-focus muna siya sa kanyang acting career.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results