Daddy's Gurl, naghahanap ng regular partner para kay Maine Mendoza

IMAGE @EBDabarkads on Facebook


JERRY OLEA: Ika-198 weeksary ng AlDub ngayong Mayo 2, Huwebes.

As expected, meron pa ring pa-hashtag ang ADN sa weeksary nina Alden at Yaya Dub.

Pero may kani-kanya nang hashtag sina Alden Richards at Maine Mendoza na trending din sa Twitter.

Iyong Team Alden, looking forward sa love story nina Ethan & Joy (Alden at Kathryn Bernardo) sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Team Maine, tanggap na ba si Arjo Atayde (na kung tawagin ng iba ay “Atay”) para sa kanilang idolo?

Sa tamang panahon...

NOEL FERRER: OK naman na may pag-alalang ganito sa AlDub phenomenon dahil rare feat ang naabot nila.

Nagulat ako nang tanungin kung papayag si Atom Araullo na maging partner ni Maine sa Daddy’s Gurl, kasi naghahanap daw sila para pantapat sa Idol Philippines.

Akala ko, mala-Mel & Jay! Oh well, the search is on for their new TV partners.

GORGY RULA: Tatanggapin kaya ng fans kung sakaling makahanap ng partner kay Maine para sa Daddy’s Gurl?

Kailangan kasing mag-isip sila ng mga bago para sa sitcom na ito para meron silang puwedeng ilaban sa Idol Philippines.

Kahit may mga negatibong puna sa bagong talent search na ito, malakas siya talaga at pinag-uusapan.

Dapat pursigido ang fans sa suporta sa Daddy’s Gurl na namayagpag naman sa ratings mula nang pilot episode nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ilang weeksary pa kaya ang ipagdidiwang ng AlDub fans kahit deadma na ang dalawang bida nito?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN