Maine Mendoza, isinama si Arjo Atayde sa pa-birthday party ng kanyang fans

IMAGE Twitter

GORGY RULA: Nag-trending ang #MaineAt24HavanaNights kung saan may pa-birthday party pa uli ang loyal fans ni Maine Mendoza nitong Mayo 4, Sabado nang gabi sa Cities Events Place, Quezon City.

Tuwang-tuwa ang Eat Bulaga’s phenomenal star dahil nakikita niyang ginastusan at kinarir ng fans niya ang boho-themed party na ito.

May fans pa siyang dumating galing Amerika at ang ibang grupo ay nanggaling pa ng Cebu.

Hindi na siya emotional noong gabing yun, at ang saya niya at nakikita ang kinang sa mga mata niya dahil kasama niya si Arjo Atayde.

Nagpaunlak pa si Arjo ng isang awitin sa bandang nag-perform sa naturang party.



Nakikita ring tanggap si Arjo ng fans na buung-buo ang suporta kay Maine.

Sabi ng ilang fans sa kanilang thread, nakikita nilang masaya si Maine sa kanyang personal na buhay dahil sa kung ano mang relasyon nila ni Arjo, masaya na rin sila.



Bahagi ng mensahe ni Maine para sa mga dumalo noong gabing yun, “Thank you sa walang-sawang suporta na alam naman natin na hanggang ngayon, nandito pa rin at patuloy na nagsusuporta at nagmamahal kung ano man ang desisyon ko sa career o sa personal na buhay, maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa sa puso na may mga taong tanggap ang mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay ko, at kayo po yun. Kaya maraming salamat po sa inyo.

“Sana, masaya tayong lahat, at sana, mahaba-haba pa ang pagsamahan po natin.”

Ipinost din ng fans ang kuha ng dalawa na nakaakbay si Arjo kay Maine at nakahawak naman ang huli sa baywang ng una.



Sa mga kilos nilang dalawa, hindi lang basta "exclusively dating" ang relasyon nila.

NOEL FERRER: Kung anuman ang meron sila, masaya tayo roon, at least patuloy ang kanilang pagpapakatotoo!

Happy birthday, Maine!

Naniniwala ako na marami pa siyang puwedeng gawin na makaka-inspire pa ng maraming Pilipino. Nandito lang kaming nakasuporta sa iyo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Sa pagkakaalam ko ay ito ang ikaapat na pa-birthday party ng fans kay Maine.

Sa pagtitipong ito, tagos sa atay ang pagmamahal ng fans sa kanilang idolo. Tunay at wagas!

Tanggap nila ang ArDub, ArMaine o kung ano pa man.

Totoo sa fans na ito, “Love is unconditional.”

Kung sino ang makakapagpaligaya kay Menggay, tanggap nila nang buong atay!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN