Ilang artistang dumalo sa Malacanang dinner, naweirduhan kay John Lloyd Cruz

by PEP Troika
May 8, 2019
PHOTO/S: Presidential Photo / Martin Andanar Facebook

GORGY RULA: Nakausap ng PEP Troika ang ilang celebrities na dumalo sa private dinner ni President Rodrigo Duterte, kasama ang partner nitong si Honeylet Avanceña, na ginanap sa Malacañang, Martes ng gabi, May 7.

Ayaw lang nilang magbanggit ng pangalan, pero nagtataka sila kung bakit may ilang naimbitahan doon sa dinner na alam nilang wala namang naitulong sa Pangulo.

Continue reading below ↓

Ilan lang daw sila roon na talagang todo ang suporta mula pa sa kampanya nito noong 2016 Presidential elections.

Mayroon pa raw roon na imbitado sa dinner na panay naman ang tira kay Pangulong Duterte.

Pero ang isa sa kapansin-pansin doon ay si John Lloyd Cruz.

Ibang-iba na raw ang kilos ng aktor kung ikukumpara noong aktibo pa ito sa showbiz.

Continue reading below ↓

Martin Andanar with John Lloyd Cruz

Ayon sa kuwento ng ilang celebs, hindi raw tinanggal ni Lloydie ang suot na dark shades kahit kaharap si Presidente Duterte.

Ang isa pa raw weird sa aktor, may cord na gawa sa lubid na nakakabit sa suot nitong salamin.

Yung simpleng lubid lang daw ang itinali sa salamin niyang mukha namang mamahalin.

Sa isang punto ay tinanggal daw ni John Lloyd ang kanyang salamin, at kitang-kita raw na maitim ang paligid ng mata nito.

Iba na rin daw itong magsalita, na hindi raw naman ganun dati.

Kaya kung ganoon ang ayos at attitude ni Lloydie, parang malabo pa raw makabalik ito sa pag-aartista, kung may balak pa siya.

JERRY OLEA: Mabituin ang naturang hapunan sa Malacañang, kung saan dumalo sina Richard Gomez, Robin Padilla, Cesar Montano, at Vhong Navarro.

Continue reading below ↓

Present din sina Toni & Alex Gonzaga, Ice Seguerra & Liza Diño, Phillip Salvador, Aiko Melendez, Vivian Velez, Arnelli Ignacio, Dulce, Bayani Agbayani, Jed Madela, Gladys Guevarra, Rodjun Cruz, Ryan Bang, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Chad Borja, Ynez Veneracion, Ai-Ai delas Alas, Ruffa Gutierrez & Annabelle Rama, at Dianne Medina.

Karamihan sa kanila ay todo-suporta kay PRRD noon pa man.

Alam nila kung sinu-sino ang balimbing sa kanilang grupo.

NOEL FERRER: No comment ako rito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Presidential Photo / Martin Andanar Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results