Avengers: Endgame, pinalubog ang box-office record ng Titanic

by PEP Troika
May 9, 2019

JERRY OLEA: Ang Dagsin (Tommy Abuel, Janine Gutierrez) lamang ang Pinoy film na nagbukas noong Abril 20, Sabado de Gloria.

Abril 24, nagbukas sa lahat ng first-run cinemas ng bansa ang pinaka-marvelous na pelikula sa kasaysayan, ang Avengers: Endgame.

Mayo 1, Araw ng Paggawa, sana ang playdate ng Sons of Nanay Sabel (Ai-Ai delas Alas, Ex Battalion) ngunit umurong ito.

Continue reading below ↓

Naiwan sa Labor Day playdate ang Maledicto (Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith).

Sa kasunod na playdate, Mayo 8, kasabay ng Sons of Nanay Sabel ang Man and Wife (Gabby Concepcion, Jodi Sta. Maria) at Tayong Dalawa sa Huling Buwan ng Taon (Nicco Manalo, Emmanuelle Vera).

Ang Avengers: Endgame ang pinakamalakas na pelikulang ipinalabas sa Pilipinas (hindi adjusted sa inflation).

Ang worldwide gross nito ay umabot na sa $2.27B.

Pangalawa na ito sa talaan ng all-time highest-grossing movies worldwide.

Malamang sa alamang na kabugin nito ang Avatar na $2.79B ang record.

Sa Mayo 15, magsasabong ang Kuwaresma (Sharon Cuneta, John Arcilla) at Between Maybes (Julia Barretto, Gerald Anderson).

Gumanap sina Sharon at Julia bilang mag-ina sa Unexpectedly Yours (2017).

Sa Mayo 22, ipapalabas na sa lupang hinirang ang live action na Aladdin, kung saan si Will Smith ang genie.

NOEL FERRER: Hayyyyy, naku!

Kung sa P1M ay nagbubunyi na ang mga produksiyon na parang naka-jackpot na sila... ito, less than a million ang gross ng bawat isa sa tatlong pelikulang Pilipino na kalunus-lunos talaga at nakakaawa ang sinapit sa takilya.

Continue reading below ↓

Sana maiba ang kapalaran ng dalawang pelikulang Pinoy na magbubukas next week.

JERRY OLEA: Number 3 na lamang sa talaan ng pinakamalakas na pelikula of all-time ang Titanic, na $2.19B ang worldwide gross.

Nag-post sa Instagram at Twitter ang direktor ng Titanic na si James Cameron ng message para sa mga taga-Marvel:

“An iceberg sank the real Titanic. It took the Avengers to sink my Titanic.

“Everyone here at Lightstorm Entertainment salutes your amazing achievement.

“You’ve shown that the movie industry is not only alive and well.

“It’s bigger than ever!”

View this post on Instagram

A post shared by James Cameron (@jamescameronofficial) on

Ang dalawa pang pelikula na lumampas sa $2B-mark ay ang Star Wars: The Force Awakens ($2.07B) at Avengers: Infinity War ($2.05B).

GORGY RULA: Hindi naman eksaktong figures ang nakuha ko, pero ayon sa ating source, mahigit P600K ang kinita ng Sons of Nanay Sabel ni Ai-Ai delas Alas sa first day of showing nitong Mayo 8, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Mas mahina ang dalawa pang pelikulang kasabay na nagbukas.

Mahigit P500K lang daw ang Tayong Dalawa sa Huling Buwan ng Taon, at mahigit P400K naman ang Man and Wife.

Dito ako nalulungkot sa Man and Wife dahil produksiyon na naman ito ng Cineko Productions, na ipina-distribute sa Star Cinema.

Maganda pa naman ang feedback sa pelikula, at nakapangHIhinayang dahil marami ang natutuwang magtrabaho sa Cineko.

So far, ang medyo okey ang kinita ng mga na-produce nilang pelikula ay ang Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro.

Sana, may mag-hit na silang pelikula para tuluy-tuloy pa rin ang kanilang film production.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results