Young actress, umalis sa show dahil hindi nabigyan ng sariling glam team


GORGY RULA: Nakatanggap ako ng text mula sa isang malapit na kaibigang sobrang aliw na aliw sa "Da Who" namin dati sa StarTalk.

Sabi niya: “Da Who itong batang aktresa na kusang umalis sa isang show dahil hindi napagbigyan ang wish?”

Gusto kasi ni batang aktresa na may sarili siyang glam team!

Naiinggit si batang aktresa, kasi ang kaibigan niyang isa ring batang aktresa ay may glam team.

Sabi ng production staff, “Naku! Batang aktresa, wala tayong budget!

“Ang nagbabayad sa glam team ni chorva ay siya mismo! Hindi sagot ng show yun!”

Yaman-yamanan kasi ang kinaiinggitan ni batang aktresa.

Sabi pa ni production staff, “Kung gusto mo ng sariling glam team, mag-paysung ka!”

Pero hindi ma-take ni batang aktresa na gagastos pa siya.

Dahil hindi napagbigyan ang kanyang gusto, nag-decide na ito, “Puwes, I quit! Ayoko nang mag-join sa show na iteklavu! Babu!”

Siyempre, kinalkal ko sa nagmamahaderang kaibigan ko kung sino ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Di gaanong kasikatan si batang aktresa, pero promising siya at maganda ang show na kinabilangan.

Ang young actress na kinainggitan ay natsismis noon na tila pinagdudahan pa ang kasarian.

Magkasama kasi sila sa weekly show at hindi na pala napapanood dito si nagmamahaderang batang aktresa, na napakaganda ng mukha na may kahawig sa kabilang network.

JERRY OLEA: In fairview, stylish ang arrive ni batang aktresa na terra kete terra (as in inggitera) sa pelikulang ginagawa niya kung saan major support siya.

Hindi kaaya-aya ang kanyang atti at nawa’y mahimasmasan siya, or else, sisisid siya nang bonggang-bongga sa La Ocean Deep.

Ang career, any moment, e, malu-Luz Valdez agad-agad?!

NOEL FERRER: Maghunos-dili ang mga starlet na ito!

Wala pa silang napapatunayan ay nagpapaka-diva na?!

Focus muna kayo sa pagpapagaling sa inyong pag-arte at pagpapataas ng inyong halaga bilang celebrity bago kayo mag-attitude nang ganyan, ha!!!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN