Guwapong young actor, panay ang dakdak tungkol sa mga nakaromansa niya

by PEP Troika
May 17, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Binuking ng isang guwapong young actor na Tivoli Tiburcio ang young actress na popormahan sana niya.

Hindi maawat ang guwapong young actor sa kadadakdak at pati mga babaeng dinala niya sa rurok ng ligaya ay idinadaldal niya sa mga katropa.

Pinapangalanan niya ang actresses at starlets na naroromansa niya sa hotel, motel, condotel, bahay, at kotse.

Naghihimutok ang guwapong young actor dahil ang GF niyang young actress ay masyadong busy sa pinagbibidahang TV series kaya walang oras makipag-MOMOL sa kanya.

“Buntisin ko na kaya siya?!” sabi pa ng kiss-and-tell na young actor.

NOEL FERRER: Ganyan ba talaga siya magsalita?

Gusto ko pa naman sana itong young actor na ito... na marahil, dahil sa kasibulan at sukdulan ang kapusukan.

Pero naman! Huwag namang mag-kiss-and-tell.

Alang-alang man lang sa reputasyon ng mga marurupok!

GORGY RULA: Kahit ang ilang production staff ng show na kinabibilangan ng batang ito ay medyo na-off na rin sa pagiging daldalero niya.

Continue reading below ↓

Mabait naman sa atin ang batang ito. Pagsabihan na lang natin. Sana, makinig siya sa atin.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results